NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Concerned citizen lang po ako at magtatanong lang kasi naguguluhan ako rito sa barangay namin. Hindi ka kasi puwedeng magreklamo o magpatawag sa barangay nang wala kang P50.00. Iyon daw po kasi ang bayad sa pag-process ng reklamo. Ang alam ko ay wala naman talagang bayad iyon. Tapos wala naman pong ibinibigay na resibo, sa isang maliit na papel lang nakalista.
- Report ko lang po rito sa Brgy. Tuktukan sa Taguig, inilipat po kasi nila iyong sakayan ng jeep papuntang Pateros at Pasig Palengke. Ang kaso po ‘yong tawiran walang pedestrian lane kaya iyong mga bata na estudyante ay nakikipagpatintero sa mga mabibilis na sasakyan. Wala naman pong ginagawa ang mga traffic enforcer na nakatambay sa malapit para tulungang tumawid ang mga bata.
- Patulong naman po kami rito sa amin dahil iyong hospital namin ay laging walang doktor. Lahat ng tao o pasyente ay tatawid pa ng dagat para makapagpagamot. Dito po sa Bacacay District Hospital.
- Irereklamo ko lang po ang pagsusunog ng plastic at basura rito isang compound sa Purok 5 Meyto, Calumpit, Bulacan. Everyday po ang garbage collection ng barangay pero imbes na ibigay sa garbage collector ay sinusunog nila ito. Matagal na po nila itong gawain. Wala naman pong aksyon na ginagawa ang barangay. Sana po ay matulungan niya kami.
- Concern ko lang po ang isang lane dito sa Brgy. San Antonio, Pasig, malapit po sa police station. Ginagawa pong parking area ang kalsada kaya nagiging grabe ang trapik sa Meralco Avenue.
- Irereklamo ko lang po ang LTO Pasig dahil inutil. Hanggang ngayon ay wala pa silang card ng lisensiya. Matagal na kaming bayad, pero wala pa rin.
- Pakitulungan naman po kami na maaksyunan ang baradong drainage sa sidewalk along Soliven St., Mayamot, Antipolo dahil lagi pong baha sa kalsada kahit walang ulan.
- Isa po akong concerned parent sa Santiago Elementary School sa Sucat, Parañaque, reklamo ko lang po ang pangongolekta ng P10.00 para raw po test paper.
- May reklamo lang po kami rito sa Bakhawan National High School sa Concepcion, Romblon dahil naniningil po ng P480.00 para raw po sa PTA at kung anu-ano pa.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo