NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isang concerned citizen po ako rito sa bayan ng Ramos, Tarlac. Irereklamo ko lang po ang health center dito dahil may bayad. Tapos kapag humingi ng gamot at walang pera, ‘di bibigyan ng gamot. Tulungan n’yo naman po kami, kasi ang alam namin ay walang bayad kapag health center. Naaawa lang po ako sa mga kababayan ko rito na hindi naaasikaso kapag walang pambayad. Salamat po.
Gusto ko lang po sanang malaman kung bakit naniningil ng P10.00 para sa tagalinis ng school tuwing Lunes dito sa Lakandula Elementary School. Marami pa rin pong pinababayaran katulad ng P75.00 para sa speaker at kung anu-ano pa. Sana ay matigil na ito. Salamat po.
Irereklamo ko lang po iyong eskuwelahan namin sa Leyte dahil sa sobra na pong pagpapahirap sa mga magulang ng mga guro roon. Lahat daw po ng mga gamit sa eskuwelahan ay ang mga estudyante ang pinabibili tulad ng kurtina, walis, electric fan. Mayroon ding P30.00 na ambagan para sa slipper ng mga bata sa loob ng room.
Isusumbong ko lang po ang isang guro sa Sta. Cruz Elementary School sa Antipolo City dahil hinampas niya ang isang bata sa hita at kamay dahil makulit daw ito. Nagpunta kami sa school at dahil wala ang principal ay sa guidance office kami lumapit. Ang sabi ng guidance ay hindi naman daw nagpasa at namula lang naman daw. Oo nga po at hindi nagpasa pero kahit na, wala po siyang karapatang mamalo ng bata.
May reklamo lang po ang school ng anak ko sa Jamabalud Elementary School sa Iloilo dahil sa paniningil ng P100.00 bawat bata para sa cabinet at upuan.
Isusumbong ko lang po ang paniningil ng P360.00 ng Naic Coastal National High School. Karamihan po ng mga magulang dito ay pangingisda lang ang ikinabubuhay kaya hirap po ang mga magulang para makapagbigay sa mga anak nila ng pambayad sa PTA. Lalo na po ngayon na madalang ang huli ng isda gawa ng mga illegal fishing na nangyayari.
Idudulog ko lang po iyong school ng mga anak ko, dapat po ba na maningil sila ng bayad sa comfort room kapag iihi? Naniningil sila ng P1.00 everyday. Pilitan na nga po sa pagbabayad sa soup, pati ba naman CR? Paano kung walang pera ang bata gaya namin? Sanap po ay matulungan ninyo kami.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Bisitahin ang www.raffytulfoinaction.com at www.facebook.com/raffytulfoinaction para sa official website at Facebook page ng inyong lingkod.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536.
Shooting Range
Raffy Tulfo