TIYAK NA aabangan ang presentasyon ng Gantimpala Theater ng kanilang pagbabalik sa theater production via Sayaw ng mga Seniorita na pagbibidahan ng magagaling na director na sina Direk Joel Lamangan, Soxy Topacio, Manny Castañeda, Ricky Davao at ang nagbabalik-teatro na si BB Gandanghari.
Binansagang ‘kabogera play of the year’, ito ay tumatalakay sa isyu ng pagtanda ng mga bakla, karamdaman, yaman, ang gustong mapag-isa, ang kahalagahan ng pakikipagkaibigan, pamilya at pag-ibig. Kaya naman may diin sa title ng show ang SENIOR dahil halos gay senior citizens ang takbo sa kuwento.
Sa presscon, isang riot na question and answer portion ang naganap between members of the media at sa mga casts na dumalo kabilang na sina BB, Direk Joel, Soxy at Manny.
Isasadula na ito sa darating na November 16, 3PM at 8PM sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP. Magkakaroon din ng apat pang pagpapalabas ang play sa November 23, 23, 30 at December 1 at iaanunsiyo pa ang venue sa mga naturang petsa.
After ng Q and A portion, nakapanayam namin si BB at kuwento niya, hindi naman siya baguhan pagdating sa teatro. Lahad nito, “In a long time, oo, in a long, long time. But when I was younger, in school I would do stage plays, actually that was my parang my training sa theater, from elementary to college.
“I’m always part of the theater guilds in school. Tapos I was part of ‘El Filibusterismo’ for Gantimpala in 1996 and that was the last time.”
Malinaw pa sa isip ni BB ang kanyang karakter sa klasik na nobela ni Dr. Jose Rizal na isinalin sa dula ng Gantimpala noong 1996. Siya pa noon si Rustom Padilla, na ayon sa kanya ay may mga ‘personal battles’ pa pagdating sa kanyang buhay.
Pag-alala pa niya, “Alam mo enjoy na enjoy ako du’n sa play na ‘yun, kasi ang ganda nu’ng karacter ng Simon, kasi galit na galit ‘yung Simon eh, very bitter eh. And I think naka-relate si Rustom at that time. I think si Rustom at that time is very angry. And siguro wala pa sa bitternes, pero papunta doon at that time. Kasi maraming-marami mga ano… ayoko na, iba kasi ang pressure at that time eh, so parang naka-relate lang ‘yung Rustom du’n sa Simon. May rebellion na nangyayari sa kaloob-looban niya.”
So ano nga ba ang character niya sa play? “Ano kasi siya si Raquel, a transexual, na in the middle of everything, in the midlle of the process, nandu’n ‘yung psychological ano niya, so excited pa siya sa process, excited siya sa suso niya, ay sorry. Excited siya sa dibdib niya, excited siya. Siya ‘yung gano’ng klaseng tao na ipakita niya ‘yung private parts niya, mga ganu’n. Walang inhibitions.”
Eh siya kaya, may inhibitions pa rin? “Meron din namang kaunti.”
NOONG BIYERNES, October 12, kumalat ang magandang balita sa pagkaka-nominate ng tatlong Filipino sa 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA). Kabi-lang sa mga nominado sina Chris Martinez sa Best in Screenplay (Ang Babae sa Septic Tank), Achievement in Directing si Direk Brilliante Mendoza at Best Performance by an Actress para naman kay Nora Aunor sa pelikulang Sinapupunan (Thy Womb.)
Sa pamamagitan ng text messaging, humingi kami ng mensahe mula kay Direk Brilliante at kay Ate Guy through Boy Palma, ang personal assistant ng Superstar.
Ayon pa kay Kuya Boy, “Masaya siya sa mga nangyayari sa Thy Womb at sa pagka-nominate na naman sa kanya.”
Sa pamamagitan naman ng Facebook messa-ging, nagpaabot ng mensahe ang award winning director na si Direk Mendoza. Kasalukuyan siyang nasa City of Ghent, sa Belgium dahil nagkaroon ng screening doon ang isa pa niyang pelikulang Captive.
Idiniin ni Direk Dante na ang kasalukuyang nominasyon sa kanya at sa Superstar ay para na rin sa mga Filipino. “Hi, of course it feels good to be the first Filipino to be nominated again in this prestigious award giving body. It definitely strengthen our presence at the international film community not only in Asia but in the whole world. Like what I always say, in the past, that all this recognitions are not only for me but to all the Filipinos around the world.
Dagdag pa nito, “Nasa Belgium pa ako now, thanks.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato