NALULUNGKOT DAW si Bb Gandanghari dahil until now, hindi pa rin siya tanggap ng kapatid na si Robin Padilla. Very honest na tinuran nito na hindi pa rin sila handang magkita at nag-iiwasan dahil na rin sa kanyang piniling kasarian.
“Hindi pa kami ready na magkita nang personal, kaya nag-iiwasan kami. Medyo malungkot, kasi pamilya mo ‘yun, pero naiintindihan ko siya.
“Sana dumating ‘yung araw na maging okey na ang lahat at matanggap na niya kung sino talaga ako. Gusto ko sana, ‘pag dumating ‘yung ganu’ng pagkakataon na magkaayos kami, ayoko na magkakaroon pa ng mga drama-drama, ‘wag na ‘wag na, ayoko nu’n.
“Kasi in the end, wala naman talagang malungkot at this point. Kasi happy naman ako right now, at alam kong happy rin naman siya. So, walang dahilan para mag-drama pa kaming dalawa.”
Habang sa ibang siblings niya raw at sa kanyang ina na si Mommy Eva Cariño ay walang problema at tanggap na tanggap siya.
“Wala namang masyado, lalo na kay Mama. Kay Mama, mas maganda nga napag-uusapan namin ngayon, eh. Mas open, mas nakapagsasabi ako sa kanya ng nararamdaman ko. At the same time, siya rin, mas nakare-relate siya sa akin, katulad ng the way na gusto kong maka-relate siya sa akin,” pagtatapos ni BB.
ANG HOME Sweet Home mainstay na si Teejay Marquez ang pinakabagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Unisilver, kung saan kinuha siya para maging mmbassador ng Unisilver Time na ginanap last week sa SM Mall of Asia.
Bukod sa bagong endorsement ng young actor, labas na rin ang telecom commercial at billborad nito sa Indonesia at Malaysia. Kaya naman marami ang nagsasabing dinaig nito ang kapwa niya male tween star sa GMA-7 dahil isa na itong certified international commercial at print ad model.
“Halos karamihan ng mga agency roon nagtatanong sa akin kung may mixed race daw ako. Pero sabi ko sa kanila, Pinoy na Pinoy ako 100%. Mostly kasi ng mga imported model nila roon, mga Caucasian, kaya naman inisip nila na may halo rin ako.
“Nakakatuwa lang kasi, kung dito sa bansa natin, maraming mga Brazilian, sa ibang bansa, puwede ring magkaroon ng commercial o project ang katulad kong Pinoy. Hopefully sana matuloy pa ‘yung isa kong gagawing commercial at print ad sa Indonesia, para naman may follow-up kaagad doon sa telecom commercial at billboard na ginawa ko roon.”
Kaya naman daw nagpapasalamat ito kina Mr. Albert Que, Mr. William Co at Ms Ebeth Padua ng Unisilver Time sa pagpili sa kanya.
ISANG PASASALAMAT ang aming nais iparating sa mga kaibigan at artistang dumalo sa aking post-birthday party. Mula sa mga taga-GMA Films na si Sir Joey Abacan at Ms. Tracy Garcia, Jovan Dela Cruz ng F & S Tailors kasama ang kanyang mga kaibigan at alagang si Patrick.
Kina Kris Bernal, Carl Guevarra, Jolina Magdangal, LJ Reyes, Arron Villaflor, Blakdyak kasama ang maganda nitong wife na si Twinkle, Ogie Diaz, Miguel Aguila kasama si Daddy Noy, Raymond Manuel kasama sina Mommy Venus at Tita Precy, Atty. Ferdinand Topacio, Tito June Quintana and friends, Tom of PBB, SexBomb kasama si Ms. Joy Cancio, Dan Yniguez of Tony and Jacky, Marc Cubales, Dino Cosio and Talents, ABS-CBN Corpcomm. Aaron Domingo, John Nite, Rene of Pep Salon, Rescuederm, Henry Hernandez , Prince, Mr. and Mrs. Santos, SK John Pol and friend, former That’s Entertainment Members, Star Magic Talents, Ragel Santos and Family, Tita Komi Dela Cruz and Family, Egay Cubillo and Talents, Angelito, and Prof. Ryan Manal.
Present din ang aming mga alagang sina Kristoffer Martin kasama ang kanyang parents, Hiro Peralta kasama si Tita Jing, Benjamin De Guzman kasama ang kanyang family, Teejay Marquez with Raymond Calaguan, Arkin Del Rosario, Joven Moreno kasama ang kanyang brother, Joshua Joffe with mom, DJ Joph with family, UPGRADE with Edwin Parungao and Roc Roc. At sa lahat ng PMPC Officers and Members at sa iba pang mga kapatid sa panulat na pumunta .
Sa inyong lahat, mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming-maraming salamat po!
John’s Point
by John Fontanilla