BB Gandanghari, ayaw ipakita ang girl’s room – Ronnie Carrasco

NENENG-NENE” NA ang Startalk, katorse anyos na kasi ito at “dinatnan” na ng mga “madudugong” kabanata. Ang panahon talaga, lumilipad. Oh, how transliteral can I get!

Pero alam n’yo ba na noong isinilang ang Startalk nong 1995 ay parang pasador lang ito na pamasak sa nag-iisa’t umaagos na showbiz-oriented talk show noon, ang Showbiz Linggo? Then, nireregla na ang kalaban ng aming programa ng malapot at sumisirit na showbiz issue, pero akalain n’yo bang eto’t nangawala na ang Showbiz Linggo, maging ang mga show na ipinantapat sa amin?

Kaya itong darating na Oktubre 24, hayaan n’yo namang magselebreyt ang nag-iisang showbiz authority sa pamamagitan ng mga inihanda naming overflowing extreme explosives like a teenage girl’s first day of her menstrual period!

Sana nga’y mapapayag ng Startalk si BB Gandanghari na kahit man lang pribado niyang mundo tulad ng kanyang “girl’s room” ay makalkal. After all, this boy has turned into a girl, if not a self-proclaimed woman with the balls to stand by her gender choice.

Inalmahan kasi ni BB ang orihinal na plano sanang pagtagpuin sila ni Mommy Eva Carino-Padilla in their hometown in Nueva Ecija. Asiwa pa raw kasi si BB sa eksenang ‘yon,  that he wants it private and without media coverage.

TUNAY NAMANG NA-CAPTURE ng teleseryeng Lovers in Paris ang French capital na ito and its awesome grandeur.

Naalala ko tuloy ang isang eksena sa G.I Joe (The Rise of Cobra) kung saan pinabagsak ng “nanomite warhead” ang Eiffel Tower, buti na lang at kathang-isip lang ‘yon, dahil kung hindi, the French landmark would not have served as an inspiring backdrop ng Piolo Pascual-KC Concepcion-Zanjoe Marudo soap na ito.

Lumalaon, the love triangle that exists among the three main characters becomes more and more excitingly complicated. Truly, isang paanyaya ang Lovers in Paris to those who seek love which they hope is as timeless and sturdy as the 300-meter high iron tower built in 1899.

ANG MGA BATIKANG GMA news reporters na sina Raffy tima, Oscar Oida at Ray Alviz ang ilan lang sa aking mga namataan sa special screening ng latest indie film ng kanilang katotong si Cesar Apolinario.  The two newsmen and newshen took time out para panoorin ang pelikulang Estasyon sa U.P. Videotheque, with collague Cesar as the co-writer, producer and diector.

Starring Klaudia Koronel and Mon Confiado, and introducing Christian Galindo. Estasyon is either a pre- or a post-Lenten offering batay sa mismong balitang nakalap ni Cesar in his coverage of the Feast of the Black Nazarene in Quiapo a year ago.

Kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng English subtitles, hence, isinusulong ni Direk Cesar ang Estasyon sa mga international film festival, an ultimate dream he wants to see come true.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSipat-eklat #165: Member ng all-female sing-and-dance group, nagka-STD!
Next articleJericho Rosales, excited sa pag-attend sa Emmy Awards – Boy Abunda

No posts to display