DUMATING LAST Sunday sa supposed to be last night performance ng Bona (starring Eugene Domingo and Edgar Allan Guzman) si Nora Aunor at Philip Salvador.
It was an industry night (showbiz na showbiz, ‘ika nga) dahil sa front seats ay makikita mo ang all out support ng mga kasama ni Uge sa industry with the likes of Iza Calzado, Mylene Dizon, Boy Abunda (na may special role sa VTR portion ng palabas); Zanjoe Marudo and Bea Alonzo na panay ang baling sa balikat ng boyfriend; TV host Divine Lee and her Papa Victor Basa; Direk Ruel Bayani, Viva Films’ Mam Tess del Rosario, Rowell Santiago, IC Mendoza with his rumoured BF, Shalala, Rita Avila with husband Direk FM Reyes, JC De Vera and his current date (the girl is pretty) at ang mga current flavour ng Artista Academy like Akihiro & Vin and two girls na walang recall ang name sa amin.
Dumating si Nora kasabay ang dalawang National Artists na sina Virgilio Almario at Bien Lumbera with Ricky Lee on the side.
Marami lang ang nagtataka kung bakit karay-karay si Guy ng dalawa? Tuloy, hindi maiiwasan na magtanong ang ilan, nagla-lobby na ba si Nora para sa sinasabing National Artist Award niya.
Sa kanilang kinauupuan, magkatabi sina Guy at ang dalawang national artist na siyang nagbigay parangal sa aktres, Kuya Ipe, Uge at Edgar Allan.
Nililinaw lang ng PETA na hindi galing sa kanila ang paggawad ng parangal sa mga nabanggit na mga artista kundi mula kina Almario at Lumbera ang award na ‘yun.
Tuloy, napakamot kami sa ulo. May break-away group na rin ba mula sa hanay nila?
I remember na ang dalawa ay mga pasimuno noon sa pagharang at pagkondena sa pagbibigay ng parangal sa komiks writer-illustrator na si Carlo J. Caparas as National Artist years back.
Hindi kaya dapat bago sila magbigay ng parangal, mag-isip-isip muna sila para walang delikadesa or baka mga Panchita rin sina Lumbera at Almario.
ALIW KAMI kay Uge sa kanyang performace as Bona (‘yan ang pangalan niya sa play at kung sinasabing halaw raw ang obra para sa entablado sa pelikula noon ni Nora at Philip ay malayung-malayo). Dapat ang naging titulo ng palabas ay Panjee, Panchita o Fantasya dahil isang fan ang papel ni Uge at hindi isang alalay (based on the original Bona movie).
May isang eksena lang na pinulot o ginamit ang playwright mula sa pelikulang Bona, ‘yong binuhusan ng kumukulong tubig ng alalay ang kanyang idol.
Ang karakter ni Uge para sa amin ay composite ng iba’t ibang karakter niya na nilabasan noon. In short, halo-halong Eugene Domingo, the comedienne ang ipinamalas ni Uge sa stageplay na Bona.
Si Edgar Allan, magaling siya for a newcomer. Hindi lahat ng mga artista ay kering mag-memorya ng mahahabang dialogue. Sa pelikula at telebisyon, p’wedeng mag take-two. Pero sa ipinamalas ni Edgar Allan, promising siya sa amin.
We just hope tuluy-tuloy na ito para sa binata at ang personal niyang buhay ay hindi abala sa magandang hinaharap niya sa kanyang career.
Dahil sa success ng obra sa direksyon ni Soxy Topacio, extended ang palabas this coming Friday until Sunday. For inquiries contact: 0917-8860430 at 0917-8938426
SPEAKING OF stage plays, abangan ang mga señorita tulad nina Directors Soxy, Manny Castañeda at Joel Lamangan sa isang baklang play na gagawin sa CCP sa pamamagitan ng Bulwagang Gantimpala come November sa isang Taglish play na halaw sa Boys in the Band na tumatalakay kung paano nagsimula ang AIDS.
The play titled Sayaw ng mga Señorita ay isusulat pang-entablado ni Direk Joey Reyes. Isa sa diumano dapat abangan ay ang partisipasyon ni BB Gandanghari na ayon sa kuwento ni Direk Joey kay Direk Soxy, may eksena na ipapakita ni BB ang kanyang operadang ari na ang sabi ay pinutol at naging ari na ng isang babae.
Reyted K
By RK VillaCorta