BB Gandanghari, makikipaglaplapan sa isang hunk indie actor!

NGAYONG ARAW, November 16, Friday, ang stage presentation ng Sayaw ng mga Seniorita, with empasis on the “senior”, dahil ang hilarious stage play na ito ng Gantimpala Theater Foundation ay tungkol sa gay senior citizens.

In celebration ng ongoing na 4th National Theater Festival, ang nasabing stage play ay itatanghal sa CCP Huseng Batute, Roxas Blvd., Manila, 3 PM and 8 PM. Heard na sold out na nag 8 PM show tickets, huh!

Topbilled ito ng mga kilalang TV, film, and stage directors na sina Direk Joel Lamangan, Direk Soxie Topacio, Direk Manny Castañeda, Arnell Ignacio, and BB Gandanghari, mula sa script ni Jose Javier Reyes, directed by Jun Pablo.

Pero ang nakakaloka ay si BB dahil “very limited engagement” ang drama niya sa theater event na ito, dahil aniya, bihira ang mapagsama-sama ang mga batikang direktor na ito in one stage play at gusto niyang ma-experience ang pag-arte kasama nina Direk Joel, Soxie, Manny, as well as Arnell.

‘Eto na, “tailor made” ang role ni BB, bilang isang dating lalaking may pangalang “Raphael” pero nagpa-sex transplant sa ilang taong pamamalagi niya sa ibang bansa – at pagbalik ay “Raquel” na ang name!

Rebelasyon sa kuwento ay naging “jowa” pala nito sa mga taong “lalaki” pa siya ay walang iba kundi ang character ni Direk Joel, at binulgar pa nitong si Direk Joel ang “botomesa” o bottom, when it comes to sex, at “top” si Raphael played by BB. Hahahaa!

‘Eto na – siyempre, ‘di mawawala ang hunks sa stage play tungkol sa kabadingan.

May lips-to-lips kissing scene si BB kay Johnron Tañada na isang hunk indie actor! Ito ay sa eksenang nag-”bikini male pageant” ang ilang boys ng cast, kasama rin sina Royce Chua at Christian Paul Meteoro.

Sa question and answer portion, imbes na sagutin ni Johnron ang “judge” ng contest na si Bb, eh nagsayaw sila nang ma-romantikong galaw – at ang ending ay naghalikan sila, huh!

Say ni Johnron, talagang “naiilang” siya sa eksena, dahil aminado itong “idol” niya noon si BB noong si Rustom Padilla pa ito, at napapanood niya ang movies nito noong 1990s, pati na ang utol nitong si Robin Padilla.

Pero dahil hinihingi ng story and for the sake of art, ginawa nina BB at Johnron ang eksena, na siguradong pag-uusapan ng mga makakapanood.

Si Johnron ay naging lead actor na sa ilang sexy indie films tulad ng Kape Barako, Kubli at Hawla, and a former member of Viva’s Men of Provoq, isang grupo ng sexy hunks.

Aliw si BB sa nasabing play dahil may dayalog pa itong, ‘Don’t call me Raphael, please call me Raquel, coz Raphael is dead!” na very true-to-life dahil sa totoong buhay ay may statement siya na “Rustom Padilla is dead!” ‘di ba? Hahaha!

Ang nasabing sayaw nga pala nina BB at Johnron, noong simula ay simple lang, pero upon the suggestion of BB, mas ginawa nila itong mas passionate and sexy, kaya mas bongga!

Did you know ang trivia na noong 1997 pala, sa Gantimpala Theater pa rin, ay nagbida pa si BB bilang si Rustom Padilla sa El Filibusterismo? Siyempre, hombreng-hombre pa siya rito noon. Pero ngayon, many years later, sa kanyang new stage experience bilang BB ay isang “pasabog” na performance ang handog niya sa kanyang followers na hindi dapat palagpasin!

May alternate din si BB, ang transgender na si Justine Ferrer, na unang nakilala sa Survivor ng GMA 7, ito ay sa ilang show performances nito next weekend sa AFP Theater naman, hanggang December 1.

 

KUNG SI Max Collins na ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pahiram ng Sandali, eh, masasabi nating “super suwerte” niya bilang isang baguhang artista at Kapuso actress.

Hindi lang naman siya basta-basta sinabak sa nasabing new teleserye sa inayawang role requirements ni Kylie Padilla (kissing scenes), kundi pinag-isipan, pinagdebatehan, at pinag-usapang mabuti ‘yan ng GMA management.

In fact, ang direktor ng serye na si Direk Maryo delos Reyes, ay isa si Max sa mga nag-acting workshop under him, and si Direk Maryo nga ang isa sa mga nagbanggit ng name ni Max bilang kapalit ni Kylie, to be Dong’s leading lady.

Knowing the credibility and reputation of Direk Maryo, na siyang direktor ng “Pahiram ng Sandali”, alam niya sigurong may future si Max as an actress, mabigyan lang ng maganda at matinong break ng kanyang mother studio.

Ang big bosses naman ng GMA, for sure eh, may kanya-kanya ring plans sa iba pa nilang contract artists na girls. Pero ang mahalaga – napunta na ang luck ni Max sa serye niya with Dong and it will be tall challenge for her.

Kabilang rin sa cast ng new soap ay sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, and Alessandra de Rossi.

Photo by Erickson dela Cruz

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleKapilya ng mga Misyonaryong Madre, Muntik Nang Abutin ng Sunog sa Muntinlupa
Next articleJessy Mendiola: teach you how to hitch a ride

No posts to display