SA IKATLONG bahagi ng Papara-zzi Showbiz Exposed story kina BB Gandanghari at Zoren Legaspi, kung saan in-interview ng huli ang una, nagbigay ng challenge si Zoren kung anong tatlong katanungan ang gustong ibato ni BB sa kanya ngayong nagkaharap na sila.
Mabilis naman ang tugon ni BB. “Kahit ano? Bakit mo ko gustong ma-interview?”
Sagot ni Zoren, “Gusto kita talagang ma-interview, hindi ako, kundi si Carmina because I want that closure in the eyes of the public. Gusto ko sanang masara siya and maintindihan ng publiko na it’s really not a big deal, sa ating tatlo, it’s just a big deal dahil hindi pa tayo nagkita-kita. And pangalawa sa akin naman, the reason why gusto kitang ma-interview, because I really want to get to know you, dahil kasama ka sa past niya, eh. You’re part of her history, hindi na ’yun mabubura kahit ano pang sabihin mo. You’re still included and gusto kitang makilala. And I’m very thankful na you said yes to this interview, nagkakilala tayo, and I’m very happy and nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko sa ‘yo and lalo kitang nirespeto.”
Next question ni BB: “Second question, given the choice, sino’ng gusto mong ma-interview, si Rustom o si BB?”
Ilang segundong nag-isip si Zoren. “Sa tingin ko ikaw, dahil mas marami akong magagandang itatanong sa ‘yo, mas marami kang masasabi. Mas magiging kabado ako kung si Rustom ‘yung mai-interview ko.”
Paliwanag ni Zoren, “Magiging guy to guy talk eh, hindi kagaya natin, you know mas calm, may tawanan, mas kalmado siya… mas kalmado siya. Ikaw mas gusto ko talaga, mas gusto kita, close na nga tayo, ‘di ba?” Sabay tawanan ng dalawa.
Last question ni BB: “3rd question, gaano mo kamahal si Carmina?”
“Hindi pa ‘ko nag-loloko. You know maraming hindi naniniwala, maraming tukso, pero malaki talagang sakripisyo ko rito to keep my family intact. So, ang ginagawa ko talaga para makaiwas ako du’n, hindi na talaga ako lumalabas. I mean, I hang-out with my kids. Gaano ko kamahal si Carmina? Ayoko kasing cliché yung sagot, eh. Siguro, right now kasi, she’s not good with money, siguro sa sobrang mahal ko sa kanya I’m so afraid na mawala ako sa kanya.”
Singit na tanong ni BB, “Ang bata mo pa, ganyan agad isip mo?”
Paliwanag ni Zoren, “Ganito ako eh, sini-set ko na siya, just incase na mawala ako sa kanya, meron na siyang mga investment na hindi niya alam.”
May rebelasyon naman si BB. “Hindi ko alam kung sa kanya ko nasabi ‘to, o kung kanino. Nakita ko kayo, isang guesting siguro, that was a time na siyempre hindi naman ganito all through out. May panahon na ‘pag nakikita mo parang natuwa ako 10 years ago, hindi mo alam kung ano ‘yung nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo. But when I saw you both, hindi ko alam kung sa commercial o sa isang TV guesting, but what I saw is enough. Sabi ko, parang I should be happy for them, because I think kung meron akong wish for Carmina, hands down, isa lang, eh. Just for her to be happy, no matter what, I just want her to be happy.”
Nagpasalamat naman si Zoren. “Thank you, tama naman ‘yung nakikita ko, so from here sana, this is a beginning for all of us na it’s really everything is under the bridge, you know… bagong pakikitungo ng isa’t isa. Kumbaga, let’s start as a family… we can be a family… wala namang problema du’n.”
Maligayang sagot naman ni BB, “Wow, ‘yun yata ‘yung pinakamagandang narinig ko ngayon. Pero, I’m really, really… I’m very happy that I finally talk to you… and hopefully meet your whole family, that’s my wish, to really meet your family.”
KAMI ANG naatasang bumuo ng birthday VTR para kay Mr. Fu sa Paparazzi noong Sabado, at naging masaya naman si Mr. Fu sa mga bumati sa kanya. Nagulat pa nga siya dahil hindi siguro niya inaasahang mahagilap namin at mabuo ang mga past and present bosses niya sa radio. Bumati sina Bernie Buenaseda na president ng The Radio Partners, Inc., ang namamahala ng ilang malalaking radio stations sa bansa kabilang na ang Magic 89.9. Nag-greet din sina Andrew Santiago, station manager ng Magic, Manny Luzon, station manager ng Win at Big Radio at ang guwapo at ma-appeal na si Alexander Gotinga, ang station manager ng WOW Fm, kung saan kasalukuyang DJ si Mr. Fu. After ng VTR, umiyak nang bonggang bongga si Mr. Fu dahil sa tuwa. Pero hirit ng kasamahan sa show, baka iniyakan pa rin niya ang isang milyong hindi na na-withdraw sa nagsarang Export Bank.
Basahin kaya ni Mr. Fu itong kolumn ko na ito sa kanyang radio show? Hahaha. Happy Birthday ulit Jeffrey Espiritu a.k.a. Mr Fu. Meganon, sir Alex ng WOW FM?
Sure na ‘to
By Arniel Serato