MAY MGA NAKAUSAP kaming theater bookers na nagkumpirmang may hidwaan nga raw yata ngayon ang SM Cinemas at ang Star Cinema.
Kahapon nagbukas ang And I Love You So nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay na nagkaroon ng well-attended premiere night sa Trinoma Cinema noong Martes.
Ang naturang premiere night nga raw ang ikalawang pagkakataon na sinuway ng Star Cinema ang pakiusap ng SM Cinema management na sa kanilang sinehan at least idaos ang lagi naman nilang ginagawang celebrity screening.
Dahil dito, nagdesisyun daw ang Henry Sy owned-theater circuit na huwag ipalabas sa mga sinehan nila nationwide ang napakagandang obra ng Star Cinema.
Sinubukan naming kunin ang side ng Star Cinema sa isyu pero hanggang sa sinulat na namin ito ay hindi sumagot ang aming kontak.
On the other hand, naniniwala kaming may mas malalim na dahilan ang parehong grupo.
Pero hindi kaya panahon na para sa SM Cinema management na muling rebesahin nila ang mga items ng kanilang mga sinehan?
Ilang ulit na bang napag-usapan ang poor quality ng karamihan sa mga SM cinemas gaya ng kanilang pangit na sound equipments, ang malalabong projector na halos hindi mo na makita ang mga subjects sa screen, ang mga halata namang pininturahan lang na mga facades ng isruktura nila, ang mababahong CR, ang mainit na aircon, ang walang laman na mga snack bars nila at ang mga sobrang OA na mga guards na every time na lang mayroong mga celebrity screening ay parang laging giyera ang binabantayan?
MABUTI PA SI Marian Rivera, super happy ang nais ibahagi sa lahat.
Bukod kasi sa napatunayan nitong may K siyang tawagin bilang si Queen of Primetime, eh, laging positive ngayon ang aura ng maganda at seksing Darna.
Yup, napakataas nga ng nakuha nitong pilot episode rating at mukhang on its way naman sila to maintain it.
Although ayaw akuin ni Marian nang solong-solo ang naturang taguri dahil aniya, “group effort po talaga kami at marami ang puwedeng tawaging reyna ng primetime. Masaya na kaming nagustuhan ng mga tao ang trabahong pinaghihirapan namin.”
May kasunod na agad ang Darna ni Marian kaya’t lalabas na mula Lunes hanggang Linggo ay nasa TV siya. Ito nga yung pagtatambalan nila ni Manny Pacquiao na Show Me the Manny na siyang papalit dun sa weekend show ni bosing Vic Sotto.
“Masaya ang rapport namin sa set. Kuwela ang pagiging komedyante ni Pacman. Ibang klase ang humor,” kuwento pa ng seksi at magandang bagong Darna, na hindi raw natatakot matsismis sa boxing hero natin.
“Hello, masayang masaya at very positive ang lovelife ko. Si Manny naman ay kitang-kita rin na may masayang family life. Magkatrabaho kami at nagba-bonding kami ngayon bilang magkapatid sa trabaho. Magpapaturo nga akong mag-boxing sa kanya,” ang natatawa pa nitong tinuran.
May upcoming movie this August si Marian at may ginagawa din siya para sa isang MMFF entry. May upcoming commercial din siya (pang-16 na yata) at gaya nga ng kanyang nasabi na ay may balanced siyang lovelife. Marami nga ang mamatay sa inggit kung ganu’n, di ba kapatid na Alex Brosas?
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus