SUCCESSFUL ANG US tour ni Fanny Serrano para sa kanyang make-up line and skin care products at Pharmacity in Concord, California (one of the biggest drug stores and beauty products outlet in America), tsika sa amin ni Ronald Carballo na ka-join ni TF sa US trip.
Nag-one on one demo consultation and product selling si Fanny ro’n. Ang make-up line ni TF was first introduced in the Philippines in 2005. It has reached Dubai, China, Hongkong and Japan. Kung hindi nga lang daw super hectic ang schedule ng beauty expert at premiere night ng kanyang indie film na Tulak with Rafael Rossell, hindi pa sana siya uuwi ng ‘Pinas.
Ikinuwento pa ni Ronald na lahat ng TFC subscribers sa US ay nakatutok sa programang Wowowee ni Willie Revillame. Totoo nga raw ang tsismis kung gaano katindi ang karisma ng TV host-singer sa mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa. Bawat makausap daw niya ay nangangarap na makita at mayakap nang personal si Willie.
Talbog nga raw ang mga sikat nating artista kung ikukumpara sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Willie. Para nga raw itong Superstar kung dakilain hangaan du’n. Hindi lang dito sa Pinas maging sa ibang bansa iniidolo siya. Maging ang mga kababayanan nating balikbayan, sa abroad palang nagpapa-schedule na sa ABS-CBN para mapanood nila si Willie sa live telecast ng Wowowee.
Ang nakakaloka pa raw, huwag mong sisiraan si Willie, makakalaban mo ang mga matatandang naninirahan sa California na labis ang paghanga sa kanilang idolo. May collection sila ng mga CD at kinakanta ang mga awitin ng TV host.
Package deal daw kung ialok sa mga subscriber ang TFC plus GMA Pinoy TV sa mga kababayan natin sa US at sa ibang bansa. Milya-milya nga raw ang agwat ng rating ng Wowowee compared sa Eat… Bulaga! nina Tito, Vic and Joey, ayon sa survey du’n sa US.
Nag-watch din sila ng movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ang Miss You Like Crazy sa Alex Theater sa California. Sold-out nga raw ang tickets for 25 dollars per ticket. Ang daming taong pumila para manood at makita nang personal si Bea.
Naka-schedule si Bea na dumating sa Alex Theater before the first screening (2 P.M. at 4 P.M. ang screening time) para mag-personal appearance sa kanyang mga fans. Hindi sinipot ng actress ang kanyang mga fans na naghihintay sa lobby ng sinehan.
Hindi naman maipaliwanag ng Alex Theater management kung ano ang naging dahilan sa hindi pagsipot ng dalaga sa nasabing sinehan. Ang nangyari tuloy, nire-fund na lang ang 15 dollars sa mga tao na bumili ng tickets. Bale 10 dollars per ticket lang minus Bea Alonzo.
Ibang klase pala ang presyo ng ticket sa US kapag nag-apir ang artista sa mga sinehan. Ano kaya ang mabigat na dahilan para hindi siputin ni Bea ang sarili niyang pelikula with John Lloyd Cruz? Nagtatanong lang po.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield