AFTER 14 YEARS, balik-Star Cinema muli si Vic Sotto with leading lady Bea Alonzo. “It’s a nice feeling na I’m back. Ako naman eh, always been a part of the family. Nakakatuwa na they welcome me back at maayos ang samahan kaya nang i-offer sa akin ang ‘Pak! Pak! My Dr. Kwak!’ agad kong tinanggap. I’m looking forward to do more projects with Star Cinema,” pagmamalaking sabi ni Bossing Vic.
Bea si very happy with their first tandem on the big screen. “Privilege ko na maka-partner si Mr. Vic Sotto! Naging comfortable ako kaagad sa kanya kahit first day pa lang namin sa shooting. Sobrang maasikaso sa set, na-miss ko ang mga bonding moments namin. It’s such an honor to work with Bossing,” papuring wika ng actress.
Ayon naman kay Bossing Vic, “Alam naming magaling si Bea at p’wedeng isabak kahit sa anong sitwasyon kaya isinalang namin siya sa isang all-out comedy. At ‘di kami na-disappoint. Dito mo makikita ang Bea na tumutulo ang laway. Para bang ‘yung luhang tumutulo.
“Karamihan sa mga ginawa naming pelikula ni Direk Tony ay situational comedy. At dito, hindi kami namroblema kay Bea dahil magaling siya,” say ng TV host/comedian.
Director Tony Reyes is ecstatic when he reveals his experience directing Bea, Pokwang, Zaijian Jaranilla and Xyriel Manabat. “Masayang katrabaho sila, pare-parehong mga professionals at handa parati sa set. Ang nakaka-excite nu’ng pinapanood ko sa pag-take na may chemistry si Bossing at si Bea. Maging sina Pokwang, Jose Manalo at Wally Bayola ay naging maganda ‘yung rapport nilang tatlo, mga magagaling na komedyante. Hindi mo matatawaran ang galing nila sa timing. ‘Yung team-up nilang tatlo kahit mga seryosong eksena malaking tulong talaga,” kuwento ni Direk Reyes.
Ini-reveal ni Pokwang ang pagnanasa niya kay Bossing Vic pero sabi nito, “Alam ko naman, langit at lupa ang agwat namin.”
Ikinuwento naman ni Vic ang first encounter niya sa set ng pelikula. “Nu’ng una, hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin. First time kaming magmi-meet. I don’t know if I met her before. Parang uneasy nu’ng pumunta ako sa set. Pagbaba ko sa sasakyan, alam ko nandu’n siya, kunwari deadma lang ako. Nang magkaharap kami, nagyakapan lang kami. Wala akong nasabi. ‘Yung tarantadong photographer, kuha nang kuha. It was a very heartwarming moment dahil wala kaming usap-usapan, wala kaming nai-dialogue, ganu’n lang. At saka, hindi magiging Pokwang ‘yan kung walang talent.”
Nagbiro pa nga si Bossing Vic, “Alam kong hindi sila magkasundo ni Joey de Leon. Hindi ko rin alam kung bakit siya tinawag na aswang. Ano naman ang masama du’n? Eh, talaga namang aswang.”
Naitanong din kay Vic kung package deal sina Jose at Wally tuwing may pelikula siya. “Siyempre, sa situational comedy, mas maganda kung meron kang ka-tandem at gamay ko na silang dalawa. At ‘pag kasama ko ang dalawang ‘yan, feeling ko, ang ganda kong lalaki,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield