TATLONG TAON nang mag-on sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.
“Twenty six pa lang ako. Bagets pa!” natawang sabi nga ni Bea nang makausap namin siya. “Ang bata ko pa, ‘no? Ayoko pa! Pagdating ko siguro ng thirty… mga thirty plus. ‘Yon… puwede na.”
Hindi kaya masorpresa na lang siya na biglang mag-propose sa kanya si Zanjoe? “Ayaw pa rin niya! Hindi pa rin ready ‘yon. At saka ano pa lang siya… thirty. So, bata pa ‘yong gano’ng edad para sa lalaki. ‘Di ba ang mga lalaki, nag-aasawa pagdating ng thirty five, mga gano’n?
“At saka ano… marami pa kaming gustong ipunin. Ako, breadwinner ako. Siya, hindi naman siya sa breadwinner. Pero ang ibig kong sabihin… for sure marami pa siyang pangarap sa pamilya niya. Ako rin, gano’n. ‘Di ba? ‘Pag naging mag-asawa na kami, ibang family na ‘yong bubuuin namin. We’re going to be unfair sa both families namin.”
Pero kung sakali, ano ang dream wedding niya? “Alam n’yo, napagdyu-joke-an namin ni Toni (Gonzaga) ‘yan!” sabay tawa ni Bea. ‘Yong mga panga-pangarap lang, ganyan, namin ni Toni Gonzaga. Marami akong gusto, eh. Iba-iba. Gusto ko, ano… beach. Or Church. Gusto ko rin by the lake. ‘Yong mga ganyan?”
If ever ba, hahayaan niyang maging open for public na may media o TV coverage? O mas type niyang maging very solemn ito at private? “Siguro hindi open. Siguro isi-share namin. Gusto ko, ang peg ko… ‘yong kagaya ng kay Ate Juday,” pagtukoy niya sa wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na naganap sa isang beach sa Batangas ilang taon na ang nakararaan.
“’Yong isi-share nila pero sila na ang nag-edit. Pero hindi ko pa alam ‘yon, ha?! Kung ano ang mangyayari. Hindi pa namin kasi talaga napag-uusapan ang tungkol diyan. Wala pa. Wala pang usap-usapan na ganyan. Naku baka mamaya, ‘pag nabasa ni Zanjoe ‘yan… ano ang pinagsasasabi mo? Hahaha! Baka sabihin niya, nagpaparinig ako! Hahaha! Nakakahiya, ‘noh? Hello! And wala pa rin nga sa isip ko. Ideally siguro, mga five years pa bago ako maging ready.”
Laging blooming at fresh ang kanyang beauty sa ngayon. Ano ang sikreto niya? “Olay!” sabay birong banggit niya sa isang beauty product na ini-endorse niya. “Naks! Hindi… happiness!” nangiti niyang pahabol. “Kapag kuntento ka sa buhay mo siguro. At saka kapag wala kang insecurities.”
Wala siyang beauty regimen? Happiness lang talaga? “Meron din naman. Meron naman. Hindi ako natutulog nang may make-up. Siyempre gusto ko mas mahaba ‘yong tulog ko. Para well-rested din ‘yong mukha ko. At ‘yong skin ko. At saka siyempre… kailangan lagi kang malinis sa katawan. Iyon ang pinaka-importante diyan.”
Going strong ang relationship nila ni Zanjoe. Sa tatlong taon na dumaan mula nang maging sila, smooth ang naging takbo nito.
“Hindi kami seloso sa isa’t isa,” aniya. “‘Yon… trust. At saka we respect each other’s time. We respect na kapag kailangan niya ng space. O, kailangan ko ng space. Gano’n. At saka… ‘yon! We tell each other everything. Wala kaming isinisikreto.”
Kasabihan na walang relasyong hindi nagkakaroon ng problema. Sa kaso kaya nila? “Oo naman! We also fight. Pero hindi parati. At saka kapag nag-aaway kami… petty. So far, kapag iniisip nga namin, binabalikan namin… wala kaming big fight.
“At saka wala kaming pinag-awayan na ibang lalaki o ibang babae. Kasi iyon ang hindi ko kaya, eh. ‘Yong kapag meron nang natsismis. Kahit tsismis pa lang na ibang babae sa kanya. Hindi ko kaya.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan