BEA ALONZO IS one of the most talented young female actresses of her generation. She is currently making waves on the primetime teleserye Magkaribal as Gelai, a budding fashion designer who is the long-lost sister of Victoria played by the beautiful Gretchen Barretto.
There’s a big clamor from the fans na muli nilang mapanood si Bea sa isang pelikula. Hindi naman sila nabigo dahil Bea has a new movie titled Sa ‘Yo Lamang which will be shown in theaters starting September 1. The movie is Star Cinema’s 17th anniversary offering. Makikipagsabayan si Bea ng aktingan kina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Coco Martin at Enchong Dee. I’m sure kayang-kaya niya ito because Bea is Bea.
In Sa ‘Yo Lamang, she plays Dianne na isang domineering na anak. Sa interview ni Jobert Sucaldito sa kanya sa The Buzz ay tinanong siya nito kung nakaka-relate ba siya sa kanyang role? “Oo. Sabi ko ang dami naming pinagdaanan na pareho, pero magkaiba naming inatake,” she said.
The movie is about a woman who has to make many sacrifices. Ayon kay Bea, willing siyang isakripisyo ang kanyang career alang-alang sa kanyang pamilya. “Oo naman. ‘Di ba sila lang naman ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho? Kapag sinabi sa akin ng nanay ko na ‘Tama na, okay na kami,’ siguro iisipin ko pa. Sila iyong main reason. I think hindi lang career, kahit ano, kaya mong i-give up. Feeling ko, iyon ang misyon ko sa buhay – to provide for my family kasi ang dami-daming blessings.”
Kung may tatlong tao na gustong sabihan si Bea ng “Sa ‘yo lamang ako”, una raw ang kanyang nanay tapos pangalawa ang kayang kapatid. When it comes to the third person, Bea said the public has to wait dahil wala pa siya roon sa puntong ibibigay niya ang kanyang sarili nang buong-buo.
Bea is thankful dahil pinagkatiwalaan uli siya ng Star Cinema ng isang bagong pelikula after I Miss You Like Crazy where she starred with John Lloyd Cruz.
Ang tingin ng publiko kay Bea ay siya ang magiging next Vilma Santos. Is she pressured? “Parang ilang kabang bigas pa iyong kakainin ko. Siyempre nagpapasalamat ako, naihahalintulad ako sa isang Vilma Santos. Pangarap lang po sa akin,” sagot ni Bea.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda