BEA ALONZO IS one of the most beautiful and most talented young actresses of her generation. Hindi matatawaran ang husay ni Bea sa larangan ng pag-arte at kayang-kaya niyang makipagtagisan sa acting kasabay ang mga de-kalibreng artista sa industriya.
She was only 15 years old when she played Katrina Argos in the hit teleserye Kay Tagal Kang Hinintay opposite John Lloyd Cruz. Who knows na ito pala ang magiging simula ng kanilang loveteam na nagpakilig (at patuloy na magpapakilig) sa sambayanang Pilipino? They are undoubtedly one of the country’s hottest loveteams in the history of local showbiz.
Sa paglipas ng panahon, Bea continues to reinvent herself in her acting career. Naging mas daring na rin siya sa kanyang mga projects gaya sa And I Love You So where she did intimate kissing scenes and wore a two-piece swimsuit. Sino ang makalilimot sa kanyang mga binitawang linya na tumatak na sa ating isipan gaya ng “Kung p’wede lang sana I had five more days, five more years… five more lifetimes with him…” at “You may have loved him longer but that doesn’t mean I loved him less.” Walang duda, Bea is Bea and she is the next great dramatic actress of our country.
Pero sa kabila ng kanyang tinatamong tagumpay, sino nga ba si Bea sa likod ng mga nagkikislapang kamera? “Most of the time when I share too much, I feel naked after. Parang nahubaran kapag na-share ko iyong thoughts ko maybe that’s why I don’t join Twitter or other sites na ganoon because I don’t like when people know what I’m thinking,” sabi ni Bea during an interview on The Buzz. Pero ngayon daw she’s trying to enjoy more her life.
Ang kanyang pagiging breadwinner ng pamilya ang isa sa mga dahilan kung bakit maaga siyang nag-mature. “At an early age, masyadong malaki iyong responsibilidad na ibinigay sa akin. Hindi ka p’wedeng mapagod. Hindi ka p’wedeng magreklamo. So iyon parang nasanay [ako]. Pero magandang training para sa akin.” Dito raw niya nakuha ang kanyang emotional stability. “Siguro doon nanggaling iyon saka kasi hindi ako nakatira sa mom ko. Hindi ako nakatira sa isang bahay [while] growing up. Palipat-lipat ako ng bahay, so parang nasanay ako na dapat hindi ako maging pabigat sa ibang tao. Nasanay ako na makisama or huwag i-bother iyong ibang tao sa problema ko.”
Noong bata raw siya ay mahilig siyang mag-drawing ng kanyang dream house at nagpapasalamat siya dahil nagkatotoo na ang kanyang pangarap. “Naibigay ko sa nanay ko iyong magandang house.” She also talked about her family during the interview. “In fairness naman, supportive sila saka siguro naisip din nila na 23 na [ako]. This is my 10th year in the business and it’s gonna be the first time na iisipin ko naman ang sarili ko. I just bought my dream unit, [a] condo unit. Technically, ngayon ko lang isa-shower iyong sarili ko sa mga materyal na bagay.”
Dream din ni Bea na makapagtapos ng kanyang pag-aaral. “In the future, not now. I’ve always told everyone na baligtad lang iyong process dito. Iyong mga estudyante, they study so they could be able to work in the future. Ako, working for me to be able to study in the future kasi walang magpapa-aral sa akin. Uunahin ko muna ang work bago studies.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda