BEA ALONZO FINALLY breaks her silence! Nagsalita na si Bea sa kumakalat na isyu na may sex video rin daw siya with Hayden Kho. Agad na nagpaunlak ng interbyu si Bea sa amin bago sumakay ng kotse pagkatapos ng fashion show ng Bench, Human at ang ini-endorse niyang damit na Kashieca para sa ‘Black to School’ campaign ng line of wear na pag-aari ng business tycoon na si Ben Chan.
“Alam mo nakakatawa ‘yan. Gusto ko’ng sagutin ‘yan. Please, ha?! Hindi ko siya (Hayden) nakilala, ever! Kahit sa Belo clinic, kahit sa Belo shoot. Ever!” Diin ni Bea.
Nalaman ni Bea na may kumakalat na issue na meron din daw siyang sex video with Hayden tulad nina Katrina Halili, Maricar Reyes at Rufa Mae Quinto. Nu’ng una raw niya itong malaman, ang akala niya, isa lamang itong malaking biro.
“Alam mo nu’ng una, hindi ako nagwo-worry as in. Tinatawanan ko lang siya. I’m starting to get bothered kasi habang pinag-uusapan siya ng mga tao, feeling nila totoo na. Kasi kapag nagpapasalin-salin sa dila ng ibang tao, nagiging totoo to them.”
Sa kabila nito, never nagdududa si Bea na meron daw siyang sex video with Hayden. Kahit paano raw kilala niya ang sarili niya. “But I heard meron din daw isyu na parang nagbibihis daw ako. With that, bothered ako. I hope hindi,” dasal ni Bea.
May isang version kasi na video raw ni Bea na nakunang hubad habang nagbibihis siya sa isang kwarto. Ang tsika sa dressing room raw ‘yun ng Belo Medical Clinic.
“Oo nga, sa dressing room nga raw. But I’m not sure. Pero inassure naman kami ng Belo Medical Group since clinic naman naman nila ‘yun na it’s not true. Somehow I’m not bothered. Pero kapag lumalabas na ganyan syempre may endorsements ako, may image ako na pinangangalagaaan, may movie ako. Sana tigilan na nila ‘yun. Sana hindi nila ako isali kasi nananahimik ako,” pakiusap ni Bea.
HIT NA HIT ang digital films lalo na ngayong nanalo bilang Best Director sa Cannes Film Festival si Dante Mendoza sa pelikula niyang Kinatay. Next month, magaganap ang inaabanagng festival ng independent films, ang Cinemalaya. Kabilang sa makikipag-compete dito ang 20-minute short film ni idinirek ni Ariel Reyes, ang Ugat sa Lupa.
Bida sa Ugat sa Lupa sina Gerald Madrid, Andelie Urquico, Don Isaac Puri, John Rylle Dimayuga at si Arnold Reyes. The movie was shot on location in Batangas. Kuwento ito ng isang pamilyang magsasaka na nakatira isang isla na lumalaban sa hirap ng buhay. Tungkol din ito sa relasyon ng mag-aama.
Kakaiba ang Ugat sa Lupa dahil wala itong dialogue. Pero may sound naman siya at musical score. Nakakuha rin ang movie ng grant mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Binigyan din ng recommendation ng DepEd ang pelikula na ipalabas sa iba’t ibang eskuwelahan nationwide para sa mga estudyante ng secondary, primary at film making as an interactive media tool. Magsisimula ang school tour ng movie ngayong pasukan.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio