GOING STRONGER every day ang relationship nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Kahit bihira lang magkita ang dalawa, hindi nawawala ang communication nila sa isa’t isa. Marami pa silang plano sa buhay kaya wala pa sa isip nila ang lumagay sa tahimik. Oo nga’t napag-uusapan ang tungkol sa bagay na ito, pero hindi ganu’n kaseryoso.
Ayon kay Bea, smooth sailing ang relationship nila ni Zanjoe. Nagagawa raw niya ang gusto niyang gawin. Binibigyang-laya siya ng actor kung ano ang magpapaligaya sa kanya. Ganu’n din siya kay Zanjoe. Pagdating naman sa kani-kanilang pamilya, tanggap ng mga ito ang kanilang relasyon.
Kung si Bea ang tatanungin, wish niyang si Zanjoe na nga ang kanyang makatuluyan. Kaso mo nga, malayo pa raw mangyayari ‘yun dahil maraming pang gustong gawin ang kanyang dyowa. For 3 years, nakapag-adjust na raw sila. Nakikilala nila ang pag-uugali ng bawat isa. Halos magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay na labis na ikinatutuwa ng magaling na actress.
Willing si Bea na i-give-up ang kanyang career in the name of love kung kinakailangan. Pero alam ng magaling na actress na matatagalan pa ‘yun. Marami pa raw pangarap si Zanjoe na gustong matupad. Handa naman daw siyang maghintay. Nasabi nga ni Bea, huwag daw madaliin ang mga bagay-bagay at baka maudlot. Hayaan na lang daw natin ang panahon ang magtakda kung sila nga ba talaga ni Zanjoe ang magkakatuluyan.
“Hindi natin hawak ang ating kapalaran kung sino talaga ang makakasama natin habang buhay. Enjoy na lang muna namin ang aming relationship saka na ‘yung pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya. Darating din ‘yun na hindi mo inaasahan,” turan ni Bea.
Katuwiran ni Zanjoe, “Kung kami talaga ang magkakatuluyan, hindi ko siya patitigilin sa pag-aartista. Alam kong napakaimportante kay Bea ang career niya. Mahal niya ang kanyang propesyon kaya’t patuloy pa rin siyang gagawa ng pelikula. Tulad ko, pag-aartista na ang naging mundo ko at dito ako masaya. Kailangang mahalin natin ang ating propesyon at bigyang-respeto ang bawat artista, sikat man siya o hindi. Ang pagpapakasal ang isang malaking commitment na dapat pareho kayong handa na harapin ito.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield