HINDI MAN siya nanalo, masaya na si Bea Binene na nominated siya kasama si Vicky Morales bilang Best Magazine Show Host ng programa nilang Good News na nimonado rin bilang best Magazine Show. Ito ay sa PMPC Star Awards For Television na ginanap nitong Linggo, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resorts and Casino.
“Do’n sa nomination pa lang kasi, malaking recoginition na iyon,” aniya. “Maganda po siyang pang-encourge sa amin sa Good News. At saka maging inspirasyon sa amin na mas pagbutihin pa ‘yong pagbibigay ng good news sa mga viewers dahil nga sa ganito na nari-recognize kami ng mga award-giving bodies.”
“And siyempre, sobrang proud ako na si Ms. Vicky Morales ang kasama ko sa show. Opo naman. It’s an honor po talaga. Working with her and being in a show with her siyempre sa news na talagang ‘yong ginagawa ko na paghu-host ay isa sa mahal ko, siyempre sobrang masaya po.”
Kung saan-saan siya nagpupunta para makahanap ng good news na maibabahagi sa viewers. Hindi ba nakapapagod to think na meron siyang dalawa pang shows, ang Sunday All Stars at ang primetime series na Strawberry Lane.
“Hindi naman. Kasi masaya po, e. Masaya siyang gawin. Tapos marami akong nadi-discover. At saka it’s fun din na ang mga segments ko ay puro tungkol sa mga pagkain. So, ang saya talaga na nakakatikim ako ng mga unique na dishes… mga iba’t ibang dishes, gano’n.”
Alin ang mas nai-enjoy niyang gawin, ang acting o ang hosting? “Siyempre pareho. Pareho po. Pareho ko naman pong mahal ang acting at saka ang hosting. Pero… mas nauna ako sa hosting.”
Patuloy na nahu-hook ang viewers sa pagtutok sa Strawberry Lane. At marami pa raw aabangan sa istorya nito na hindi inaasahang mangyayari. Sila ng boyfriend niyang si Jake Vargas ang magkatambal sa nasabing soap. At exciting daw ang pagpasok ng isang bagong character na magiging kaagaw niya sa young actor.
“Abangan na lang nila kung ano ang mangyayari sa amin ni Jake. Kung paano magkakaroon ng conflict sa magandang pagtitinginan namin.”
Paano kaya kung sa totoong buhay, biglang may pumasok din na third party na makagugulo sa kanilang relasyon?
“Wala po. I don’t think mangyayari iyon. Confident po ako na hindi mangyayari iyon.”
Feeling secured siya kay Jake? “Confident!”sabay tawa ni Bea.
What makes her feel confident with Jake? “Because I trust him. And siguro I know that he is not that kind of person. And I trust him a lot. I know that he will not break my trust.”
Malapit na ang Holiday Season. Nagsimula na raw ang preparation nila ng kanyang pamilya sa darating na Kapaskuhan. “Actually nagpagawa na kami ng mga gift cards. Ng mga greeting cards.”
Plano rin ba niyang magbakasyon? “I hope. Kaya lang medyo mahirap kasi gaya no’ng nakaraang Undas, October 31, nagti-taping pa kami. So, hindi pa sure kasi ang schedule. Kaya mahirap mag-plan ng holiday vacation na talagang mag-a-out of town o out of the country ka. Kaya siguro kung makakapagbakasyon man, ‘yong mga mabilisan lang. Na ilang oras lang ay mararating na ng sasakyan.”
Meron din ba silang pinapalano ni Jake like spending Christmas together o kaya ay pupunt sila sa Olongapo City kung saan nakabase ang pamilya nito?
“Si Jake kasi sobrang family person, e. Pero last year, magkasama naman kaming nag-Christmas. Pero ngayon hindi pa sure. Hindi pa namin napag-uusapan. Kasi ‘yong taping namin kasi. Ang hirap magplano nang hindi mo pa alam ‘yong schedule mo.”
Excited din sa Bea sa ginawa niyang horror film na Liwanag Sa Dilim kung saan kasama rin niya si Jake. Ginagampanan niya rito ang role ng isang probinsiyanang dalaga na naninirahan sa isang baryo na may mga aswang. “Napanood na naming ‘yong dummy trailer nito. Wala pang effects o scoring pero nakakatindig-balahibo na.”
Kailan ang playdate nito? “Early next year po. Baka last week ng January. O baka abutin ng Valentine’s Day. Which is okay lang naman. Kasi maganda rin namang manood na may kasama ka habang natatakot-takot ka!” natawang biro pa ni Bea.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan