KAHIT NA bantay-sarado ng staff ng GMA Artist Center si Bea Binene para mapigilang pag-usapan ang kinasasangkutan nilang mag-ina laban sa isinampang demanda ng kanilang abogado raw na si Atty. Ferdinand Topacio, nagawa pa ring sumagot ng teenstar sa ilang reporter.
Maraming isyu raw ang ibinabato sa kanila na hindi naman daw totoo. Tulad daw ng ipinahayag ni Attorney, pati na raw ‘yung mga ebidensiyang inilahad nito sa presscon.
“Nasaan? Ipakita niya sa akin. Kaya kong sabihin lahat. Kaya namin ni Mama na isa-isahin. Kaya naming patunayan na hindi totoo. Kaya naming sagutin lahat ang mga ebidensiya niya. Pero parang that’s legal matters na, so si Mama na ang bahala at saka ‘yung lawyer,” katuwiran ni Bea.
Sa hirit daw ni Atty. Topacio na mag-public apology lang daw sila ay hindi na itutuloy ang demanda laban sa kanila, bakit naman daw sila magpa-public apology.
Sa nangyari, anong lesson ang natutunan nila?
“Lesson learned? Huwag masyadong magtitiwala sa mga tao, dahil hindi nila alam ang agenda nila sa buhay nila,” katuwiran ni Bea.
So, nagtiwala lang siya sa abogado at ano ang ginagawa ni Atty. Topacio bilang legal adviser?
“Nagtiwala, oo eh. Kasi legal, eh. He’s a lawyer. He’s an attorney. So lahat ng ano… kumbaga, lahat ng legal matters we’re asking, naging adviser. Legal adviser!” pagdidiin ni Bea.
“Ginagawa naman bilang adviser? Para sa akin, tinatanong lang po ‘yung kung ano ‘yung mga dapat gawin, pero hindi gagawin… parang ganoon.”
Itinanggi ni Bea na itinuring niyang personal na kaibigan si Attorney, kundi professional friend lang daw. Eh, may letter daw na ipinakita na mayroong lawyer-client relationship.
“Kasi parang legal adviser. Nagpatulong kami sa kanya. Kasi ‘yun po ang sasabihin namin sa GMA na magkakaroon ng album under Galaxy at may Japanese producer kami. So gusto namin, legal terms as a legal adviser. Parang letter lang naman siya. Hindi naman magpa-file ng case, ‘di ba? Magbibigay ka lang ng legal letter sa GMA,” patuloy pa ni Bea.
Nagalit ba siya kay Atty Topacio at magpa-public apology ba siya?
“I’m disappointed at wala akong dahilan para magbigay ng public apology!” pagdidiin pa ni Bea.
SECOND LIFE na ni Alyssa Alano ang nangyaring aksidente last Sunday sa Marcos Highway, Antipolo kung saan tumusok ang mahabang bakal sa tagiliran niya nang bumangga ang kotseng minamaneho niya.
Dahil na rin sa aksidente, nagkaroon ng trauma si Alyssa na magmaneho uli. Kahit na may driver siya ay hinding-hindi na raw siya magdri-drive uli.
Ang ikinalulungkot lang namin at mga nagmamahal din kay Alyssa ay pagbinta-ngan at paninira sa TV host/actress na lasing siya nang maganap ang aksidente.
Walang katotohanan ang balita dahil lumabas ng bahay si Alyssa para bumili ng gamot sa pananakit ng katawan.
Sa interview kay Alyssa ng Startalk, bakas na bakas dito ang hirap na dinanas at naging emosyonal ang TV host/actress nang mapag-usapan ang pagiging breadwinner niya ng pamilya.
Aside sa kasong isinampa ng MMDA kay Alyssa dahil nasira ang steel fence na pag-aari ng MMDA na nabangga ng kotse ni Alyssa ay siya rin ang tumutulong sa pagpapagamot ng limang pasahero ng sasakyan na nabangga niya.
Tiniyak naman ni Alyssa kahit nagpapagamot pa siya ay ‘di niya tatalikuran ang kanyang mga responsibilidad.
Gusto na nga niyang makapagtrabaho uli as isa sa host ng Startalk ay hindi puwede dahil sa tinamo niyang sugat at kailangan niyang manatili pa sa ospital nang dalawa hanggang tatlong linggo para maghilom kahit paano ang mga tinamong sugat.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo