BUKOD SA pag-arte, pinasok na rin ng Tweenstar na si Bea Binene ang pagpu-produce ng pelikula via her own film production na Benign Bees Productions, kung saan ang first film na ipu-produce ng kanyang production ay ang Dinggin na kanya ring pagbibidahan.
Kuwento nga nito sa presscon ng iniendorsong slimming capsule na VeriFIT, “Kasi parang palagi namang may mga indie, pero it showcases more on aktingan talaga, ‘yung mga hardcore acting na almost walang limitasyon.
“Kaya naman naisip ko, for a change na mag-produce ng parang indie-docu. Gusto ko namang ipakita through film ‘yung mga hindi laging nakikita ng government at ng mga tao.
“Gusto ko ring mapansin nila ‘yung mga taong ganito ang saloobin sa buhay, mga taong dumanas o naka-experience ng katulad ng kalamidad ng Yolanda at kung anu-ano pang natural calamities. Like ‘yung movie namin, it’s about climate change, para malaman ng mga tao kung anong puwedeng mangyari kapag nagpabaya o inabuso natin ang kalikasan at makita nila ang resulta sa tao ng mga ganitong sakuna.
“Itong pelikula namin, base on survey, true to life na nangyayari sa bansa natin, kaya maraming matututunan ang mga tao rito.”
Bukod nga raw sa kanyang ginagawang pelikula, regular pa rin siyang napapanood sa Vampire Ang Daddy Ko, Sunday All Stars, at Good News. Magiging busy rin daw siya sa pagpo-promote ng kanyang newest endorsement na VeriFIT na siyang dahilan kung bakit healthy, fit, at sexy si Bea ngayon.
3rd CMA Mental Arithmetic National Competition, matagumpay
NAPA-WOW KAMI at na amazed sa husay sa Mathematics ng mga estudyante ng CMA Mental Arithmetic (Creating Great Minds) nang maimbitahan kami sa 3rd CMA Mental Arithmetic National Competition (Philippines Biggest Mental Arithmetic Competition) na ginanap sa SMX Mall of Asia last March 1, 2015 na pinangunahan ng CMA Founder na si Master Tai Chiang Ching at CMA Philippines CEO Mr. Anthony Esguerra.
Ayon nga kay Mr. Esguerra, as early as 2 ½ years old na bata ay puwedeng mag-aral sa CMA basta nakabibilang from 0 to 9, at kahit nga may edad na ay puwede ring mag-aral dito para mas maging mahusay sa paggamit ng mas simpleng method sa Mathematics (Japanese Abacus).
Dagdag pa ni Mr. Esguerra, kung lahat daw ng Filipino ay mahusay sa Math, hindi raw malabong mas maging maunlad ang ating bansa katulad ng ibang karatig bansa like Taiwan.
Dagdag pa nito na from 15 branches ay target nilang magkaroon pa ng another 10 branches ngayong taon. Ilan nga sa mga anak ng celebrities na nag-aaral sa CMA ay ang mga anak nina Vina Morales, Julius Babao, at Karen Davila.
Kuwento pa nga ni Mr. Esguerra, nag-rank no. 2 sa over-all ranking ang Pilipinas nang lumaban ang kanilang 15 students sa Singapore para sa CMA Competition doon na dinaluhan ng iba’t ibang pambata ng Asian countries, at kahit nga kokonti lang ang delegasyon ng Pilipinas, humakot pa rin ito ng maraming medalya.
John’s Point
by John Fontanilla