“HINDI KO in-expect, kasi I was just asking about the results of my exam, but (my teacher) told me that I ranked first. Hindi rin ako makapaniwala kaagad.” Ito ang pahayag ni Bea Binene kaugnay sa nakuha niyang 99% sa National College Assessment Examination (NCAE), at nag-number one sa lahat ng mga estudyante sa National Capital Region.
At kahit nga marami itong proyekto, nagawa nitong mapagsabay ang pag-aaral at pag-aartista. Bibihira nga among stars today na pagsabayin ang pagtatrabaho at pagiging estudyante.
Sa bagong achievement na ito ni Bea, isa itong magandang ehemplo sa ibang mga kabataang mag-aartista na kahit busy sa trabaho ay puwede pa ring mag-excel at mag-top sa pag-aaral.
Isa nga raw itong early birthday gift para kay Bea na magde-debut sa November.
William Thio, Most Promising News Personality ng 2015 Gawad Amerika
LILIPAD PATUNGONG Hollywood, Los Angeles, California, USA si William Thio para tanggapin ang kanyang Gawad Amerika award bilang 2015 Most Promising News Personality na gaganapin sa Celebrity Center sa November 7, 2015.
Kitang-kita sa reaksyon ng UNTV’S ‘Why News’ news anchor ang sobrang kaligayahan nang ibinigay sa kanya ang sulat mula sa nasabing award-giving body na nagsasaad na isa siya sa awardees ng taunang parangal.
“Well, to be honest, I was very shocked!” pambungad nito nang hingin namin ang kanyang reaksyon. “Shocked is an understatement. Hindi ko talaga naisip, eh. Nang nalaman ko lang a few months ago na isa akong nominee, malaking honor na ‘yun. Pero hindi ko akalain na tutuluy-tuloy siya.”
Mahalaga raw para kay William ang tatanggaping award. “I think the purpose for the award is to motivate you better in your craft, to hone yourself more and to realize that every recognition that you get, whether it’s an award or it’s a compliment from a person, or it’s an honor to be interviewed with somebody from the press, I think it just a marker that you are on the right track and that you need to continue on that path.”
This award is his second since he joined the field of newscasting in 2012. His first was in 2012 as the Most Inspiring News Anchor. “Bagung-bago pa lang ako nagnyu-news noon eh, and maliit lang siya na award. Ito ‘yung Top Brand Award.”
Dagdag pa nito, “I was nominated by the PMPC Star Awards for Best Morning Show Host for my program One Morning at PTV at that time. That was only a nomination. But both my talk shows, the one that I share with Ms. Rosa Rosal’s Damayan at ‘yung isa naming show na At Your Service won an Anak TV Seal Award, ‘yun pa lang.”
During his younger days, he was a most sought-after product endorser and in-demand actor. He was a Star Circle member of ABS-CBN but it was Regal Films who catapulted him to stardom. And presently, he’s doing very well as a newscaster of GNN and UNTV’s Why News.
Sheryl Cruz, ‘di miyembro ng ‘salamat, dok’
ISA SI Sheryl Cruz sa mga artistang natural ang ganda at hindi miyembro ng ‘salamat, dok’. kaya naman daw thankful ito dahil until now, may mga taong nagsasabi na hindi siya tumatanda at hindi nalalayo nu’ng mga panahon ng dekada ‘80.
Pero hindi naman daw issue kay Sheryl ang pagpapaganda gawa ng siyensiya, katulad ng pagpapa-botox, lalo na’t artista ka na kailangan mong laging maging maganda .
“Siguro, magpapa-botox ako kung kinakailangan na. We are here in show business and looking young is a big factor. ‘Yun ang obsession ng marami sa aming mga artista. We have to look good and still look young for our fans. As of now, hindi ko pa naman kailangan. Hanggang nandiyan pa ang natural beauty natin, alagaan na lang natin through a healthy lifestyle,” pagtatapos ni Sheryl.
John’s Point
by John Fontanilla