HANGGANG NGAYON AY wala pa raw balak magpaligaw ang young star at isa sa casts ng primetime show sa GMA-7 na Captain Barbell na si Bea Binene sa kahit sinong magpaparamdam sa kanya.
Ayon kay Bea, mas-yado pa siyang bata at mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career at sa favorite sports na Wu Shu. Kaya naman daw hindi totoong may namamagitan na sa kanila ng ka-loveteam na si Jake Vargas. Kuwento pa ni Bea, friendship lang ang pinagsasamahan nila ng young actor. Alam daw nito na career muna ang focus niya at hindi ang ligawan.
Pareho daw nilang mahal ang kanilang blooming career, sayang naman daw ang magandang pag-aalaga sa kanila ng kanilang network, dahil magaganda at sunud-sunod na projects ang ibinibigay sa kanila, kung hindi nila ito seseryosohin at papahalagahan.
HINDI MAITAGO NG Gigger Boys member na si Benjamin de Guzman ang malaking paghanga sa young star na si Erich Gonzales. Mula raw na magkasama ang mga ito sa defunct teen show ng ABS-CBN na Shoutout ay tinamaan na ang teen actor sa dalaga na tubong Davao.
Tsika pa ni Benjamin, gustung-gusto raw niya ang pagiging sweet, mahinhin, at ang kayumangging kaligatang kulay ni Erich. Pero dagdag niya, wala naman daw siyang balak agawin si Erich sa ka-loveteam nitong si Enchong Dee. At wala naman daw sigurong masama kung hinaha-ngaan niya si Erich, dahil kahit sino naman daw lalaki ay magkakagusto sa dalaga.
Isa raw sa pangarap ni Benjamin ay ang makapareha sa isang proyekto si Erich, mapa-pelikula o telebisyon man na isang love story. Naniniwala siyang hindi malabong mangyari ‘yon lalo at pareho sila ng istasyong nangangalaga ng kanilang career.
BLIND ITEM: SINO ang former member na ito ng dating sikat na sikat na boyband na dati ring ‘young actor’ ang driver na lang daw ngayon ng kinakasamang female newscaster na ka-live in niya? ‘Andres de Saya’ daw ito.
Tsika pa ng aming source, hawak daw sa leeg ang nasabing ex-member ng boyband ng female newscaster. Grabe raw kung mandohan nito ang dating ‘young actor’ na pati ang komunikasyon nito sa kanyang mga mahal sa buhay ay ipinuputol na. Kahit daw ang mga anak nito sa kanyang unang asawa ay hindi rin nito puwedeng kausapin.
Kahit nga raw ang mga babaeng kaibigan niya ay bawal ding kausapin ni ex-boyband member dahil nagseselos ang nasabing female newscaster. Kaya naman mistulang bilanggo ito at walang karapatang magdesisyon para sa kanyang sarili.
PARAMI NANG PARAMI na ang mga talentong Pinoy na gumagawa ng pangalan abroad at isa na rito ang tinanghal na big winner at ‘Little Girl with a Big Voice’ sa Canada na si Geena Geneza na 12 years old pa lang ay gumagawa na rin ng sariling pangalan sa British Columbia.
Patunay dito ang lakas ng benta ng kanyang 1st album titled Inspiration, Geena Geneza. Hit na hit ang kanyang carrier single na ‘Inspiration’ kasama ang iba pang sure hit songs na nakapaloob sa album.
Produced ng Ecclesiastes Entertainment ang album ng Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na manager din ni Geena sa Canada at mula sa komposisyon ni Ramil at Nora Omusura at ng ibang batikang composer sa Amerika at Canada.
Kuwento ni Geena, at the age of four ay kumakanta-kanta na siya at dito napansin ng kanyang Mommy Maria Fe ang kanyang talent, kaya naman nung 7 years old na siya, isinabak siya ng kanyang mommy sa iba’t ibang workshops like piano lesson at singing.
John’s Point
by John Fontanilla