USO BA ang laglagan sa Artista Academy?
Ang tinutukoy namin ay ang panunumbong ng isa sa mga Magic 6 sa grupo about the bad example na ginawa nina Akihiro Blanco and Sophie Albert (yes Danny- nalaman ko rin last name niya from a tsikahan tagging her with a not so nice pleasant kuwento).
Anyway, nagka-bad tripan daw si Akihiro at Vin Abrenica dahil si Vin ang dahilan kung paano na-identify si Akihiro at Sophie, ang dalawang Artista Academy aspirant na nahuling naninigarilyo in public.
Hindi nga naman tama. Bilang mga bagets future stars, its a very negative image para sa isang future talent ng TV5 lalo pa’t ang daming kabataan ang humahanga sa kanila.
Balitang nakarating sa amin, since lumabas ang balita at si Vin ang culprit sa isyu, nagkalamat ang closeness ng tatlo. Lalo na ang friendship nina Vin at Akihiro dahil since from the start of the talent competiton, close na ang dalawa at naging instant barkada.
We just hope that the TV5 management and the Artista Academy should teach their talent on how to live and project a positive lifestyle lalo na ang daming mga kabataan ang sumusuporta sa kanila at umiidolo.
Sabi nga, smoking is bad to your health pero mas bad influence siya sa mga kabataan.
AFTER IDEKLARA ni Sen Chiz Escudero sa show ni Kris Aquino last Friday na sila na ni Heart Evangelista, iisa lang ang naisip namin: yes, it’s election time! Tuloy na ang ligaya. Tuloy na ang perya!
Tulong publisidad din ito kay Chiz kahit sabibin na natin na isa siya sa mga magagaling nating mga senador.
Pero para kay Heart, she wants her relationship or love affair to be private.
Okey. Pagbibigyan ko at paniniwalaan ang statement na ito ng dalaga.
Basta pangatawanan niya na never siyang magsasalita from now on about Chiz, about her lovelife with Chiz at igagalang ko ang kaplastikan na ‘yan.
I respect Heart’s decision to keep mum about her private lovelife at sana pangatawanan niya ito or else…
ISINULAT NG isang kaibigan namin na isang hard news journalist sa kanyang FaceBook na ngayon ay connected sa isang online news portal, halos dumagsa ang mga taga-showbiz na nag-file ng kanilang kandidatura sa iba’t ibang posisyon sa paglilingkod bayan sa darating na eleksyon sa May 2013.
Biro niya sa amin nang mag-comment kami sa FB posting niya: “Kapatid, mag-cover ka na rin sa Congress at magre-retire na ako,” na napangiti na lang ako.
MAY-I-COVER-UP THE mess ang drama ng GMA 7 sa isyung Bea Benene involving this 14 years old girl sa isang DJ named Papa Dan at sa isang de-kalibreng abogado named Atty. Ferdie Topacio (naging abodago siya ni former PGMA at Erap).
Starting this week na kasi ang simula ng bagong tele-serye na pagtatambalan nina Bea at screen loveteam niya na si Jake Vargas.
Tungkol sa tsismis that Bea is a “material girl” hindi naniniwala si Jake, na basa namin sa sinasabi ng facial expression niya, isang matamis na ngiti lang ang basa namin sa kanya.
Yes. Oo naman, hindi naniniwala si Jake sa issue. Pero hindi niya sinabi na hindi ganu’n si Bea tulad sa bad impression na naiwanan sa pagkatao ng dalagita involving her with a lawyer na almost the same age as her dad at sa sinasabing Kuya Dan niya na ang sabi, for a while ay naging housemate nina Bea at ng ka-nyang ina.
Reyted K
By RK VillaCorta