NAGSIMULA BILANG CHILD star at isa na ngayon sa maituturing na papasikat na young star si Bea Binene na unang napanood sa Starstruck Kids, Lovely Day, Dear Friend, First Time, at ngayon ay sa Ilumina at Tween Hearts. Mula sa pagiging young star, nahihilig din ang magandang teen star sa sports, kung saan
pinagkakaabalahan ni Bea ang Wu Shu. Ayon kay Bea, nakahiligan niya raw ang mga naturang sports nang minsang magkaroon sila ng segment sa Lovely Day about Wu Shu at Wall Climbing. Kaya naman
daw nang masubukan niya ito ay nagging instant paborito na niya itong gawin. “Bale marami po akong sports, pero isa sa pinakapaborito kong gawin ang Wu Shu. Lumalaban na po ako sa Wu Shu Nationals.
Minsan nananalo, minsan naman hindi.” Ilang taon ka nag-start mag-Wu Shu at bakit mo ito nakahiligan? “11 years old po ako nag-start. One year na po akong nagwu-Wu Shu, nag-start ako, March 18. Noong may isang nag-villain sa Lovely Day, nagwu-Wu Shu siya, ‘yung may sword, tapos sinabi ko,
gusto ko rin ‘yan, tapos hinanap ko po ‘yung Wu Shu. Tapos in two years, nahanap ko ‘yung Wu Shu Discovery, ‘yun ang team naming ngayon. “Tapos nag-start na akong mag-training sa kanila at nagustuhan ko talaga, kaya dinirediretso ko na. Ngayon, sobrang love ko talaga ‘yung Wu Shu. “Tsaka naging inspiration ko rin ‘yung coach ko, si Michael Co, mas kilala siya ‘pag nagku-compete bilang Mark Robert Rosales. Sobrang galing niya at naging torch-bearer na rin siya ng iba’t ibang Olympics, idol na idol ko talaga siya.” ‘Yun na rin ba ang ginagawa mong exercise para mapanatiling physically fi t ka? “Opo, sa Wu Shu kasi, hindi ka lang natututo kundi pinagpapawisan ka talaga. It can keep you fi t, at kaya rin ako nag-Wu Shu kasi gusto talagang pumayat. Kasi dati, chubby-chubby-han ako, he-he-he! “Pero nu’ng mag-Wu Shu ako, ‘eto nagstart na akong pumayat. Kaya naman love na love ko na siyang gawin. Tsaka nagiging fl exible ka.” May plano ka bang mag compete ng Wu Shu sa professional division? “Isa po ‘yun sa plano, sabi ko nga pupunuin ko ng medalya sa Wu Shu ‘yung pader namin, he-he-he! Kaya lang, medyo busy nga ngayon sa taping, kaya medyo malabo pa. “Pero ‘pag nagkaroon ako ng oras, magtitraining talaga ako, gagawa talaga ako ng oras para makapag-training.” Handa mo bang iwan ang showbiz at mag-concentrate sa Wu Shu? “Hindi naman. Love ko din ang acting, puwede naman pong pagsabayin, para pareho ko silang magawa. “ Sa ngayon daw ay hinahanapan ni Bea ng oras para magawa niya muli ang isa sa kanyang paboritong sports – ang Wu Shu. Gusto raw nitong makilala siya sa
nasabing sports, at makapag-uwi ng maraming ginto sa mga international competition.
John’s Point
by John Fontanilla