ANG SWEET ng dating sa titulo pa lamang. Pero sweet ba naman ang isa sa mga bida sa bagong serye?
Muling nagbabalik sa eksena si Bea Binene sa bagong pakulo ng Kapuso Network after ng katsipan at iskandalosang mga balita at kaganapan noon sa kanyang personal life.
Kung hindi marahil siya nagloka-lokahan (involving herself sa isang radio jock at pati pagka-link niya sa isang atorni na halos kasing edad ng kanyang ama), ‘di sana’y hindi nakalusot ang ibang mga dalagitang artista ng GMA 7 sa eksena.
Kung naging matino sana ang nangyari sa buhay ni Bea, ‘di sana’y masasabi na andu’n na siya at ‘di nasilat sa pinapagarap na stardom at stability.
Aminin man niya o hindi, nakaapekto sa kanya ang mga negative tsismis (na slightly ay may katotohanan) na humatak sa kanya pababa at akala ko hindi na siya makaaahon.
Buti na lang nagtiwala muli ang GMA Artist Center at ang Kapuso Network na bigyan siya muli ng teleserye after a while.
Itong September na ipalalabas na ang pinakabagong primetime family drama series na Strawberry Lane sa GMA Telebabad.
Sa bagong serye na mula sa isang original na kuwento tungkol sa apat na mga batang babae na ang mga pangarap sa buhay ang siyang magbubuo ng kuwento ng Strawberry Lane ay pangungunahan ng teen actresses kung saan bukod kay Bea ay kasama rin sina Kim Rodriguez, Joyce Ching, at Joanna Marie Tan playing the roles of Clarissa, Jack, Dorine, at Lupe respectively.
We just hope na bago ang magiging timpla ng bagong seryeng ito ng Kapuso Network. Kasama sa Strawberry Lane (super sweet ng title na hopefully hindi magiging sour ang katinuan ng istorya) sina Jake Vargas, Kiko Estrada at si Jeric Gonzales sa direksyon ni Don Michael Perez.
Reyted K
By RK VillaCorta