Bearwin Meily, tinarayan si Chariz Solomon – Ruben Marasigan

ANG LAKAS NG loob mag-deny ni Bearwin Meily na hindi raw totoo ang insidenteng tinalakan niya young sexy comedienne na si Chariz Solomon kamakailan matapos ang take ng isang eksena sa pelikulang ginagawa nila na pinagbibidahan ni Dolphy.

Kuwento ng isang staff ng movie, nagulat na lang daw sila nang after kunan ang eksenang magkasama sina Bearwin at Charise, iritableng tinawag daw nito ang dalaga.

“Ikaw, halika nga rito!” Pabulyaw raw na sigaw ni Bearwin.

“Bakit po?” nabiglang tanong naman daw ni Charise.

“Sa susunod, huwag kang mananapaw, ha!” nanggagalaiti raw na sabi pa raw ni Bearwin na kahit nag-sorry na ang tinatalakan niya ay iritable pa rin daw.

Isang kikay na babaeng bakla ang role ni Charise na siyang character talaga niya sa totoong buhay.  Na ipinagkamali naman nga raw naman nitong si Bearwin na inaagawan siya ng eksena.

As if naman ang laki-laki niyang arista, ‘di ba?

Epal?

[ad#post-ad-box]

TOTOONG YATANG  MAY relasyon na nga ang young actress na si Maxene Magalona at ang unang Survivor winner-turned TV host/actor na si JC Tiuseco.

Nakita  raw silang magkasamang namamasyal sa Trinoma shopping mall na magka-holding hands pa, huh!

Bago ito, they were seen together at the Shangri-la Mall.  Pero  ayon kay Maxene, grupo silang nagpunta roon.  Non-showbiz daw kasi ‘yong mga kasama nila kaya raw siguro inakala ng mga nakakitang silang dalawa lang ni JC ang magkasama that time,

Pinakahuling namataang magkasama na naman ang dalawa is when Maxene attended the launch of  Cosmopolitan Bachelors Bash a couple of weeks back.

Matagal nang nali-link ang dalawa na nagsimula nang magkasama sila sa panghapong seryeng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin sa GMA- 7.  Ang kuwento pa nga, dahil three times a week silang nagkakasama sa taping nito, unti-unti raw silang na-develop sa isa’t isa hanggang tuluyang magkaunawan na nga.

Senyales daw kaya ito na tapos na ang kanilang pagdi-deny and slowly, ipinaaalam na nila sa lahat na sila na nga kaya nagagawa na nilang mag-PDA (public display of affection)?

SA KABILA NG mga kaliwa’t-kanang relief operations ng iba’t ibang sector, kulang na kulang pa rin at hindi kayang tugunan ang lahat ng  tulong na kinakailangan ng mga biktima ng malawakang pagbaha.  Kaya nga pati ang pamosong beauty expert na si Ricky Reyes, kaagad na ipinatupad ang feeding project niya for some affected areas.

Limang araw itong walang humpay na pagdadala ng trak-trak na pagkain sa ilang lugar na grabeng sinalanta ni Ondoy.

“Parang may pakasal ako araw-araw!” natatawang biro nga ni Mother Ricky nang abutan naming punong-abala sa pagluluto ng kung anu-anong pagkain sa compound ng opisina niya sa may E. Rodriguez Avenue, Quezon City.  “Talagang non-stop ang lutuan dito 24 hours a day.  And I’m happy dahil lahat ng mga kaibigan kong mayayaman ay hindi nagdalawang-isip na tumulong para rito.  Toka-toka kaming lahat.  Naisip naming kesa sa relief goods ay lutong pagkain kasi ‘yong iba, dahil inanod nga lahat ng gamit sa bahay, wala ni lutuan kaya mas okey na cooked food na lang ang ibibigay namin.  Pati mga cook ko sa akong resort, aligaga sa one week feeding project naming ito.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleAngel Locsin: Real-Life Superwoman!
Next articleNora Aunor, nilustay sa casino ang donation sa Ondoy victims? – Tita Swarding

No posts to display