Beast mode na nga sa Wildflower: Aiko Melendez, umaarangkada rin sa indie films!

Aiko Melendez

PATULOY SA PAG-ARANGKADA ang showbiz career ni Aiko Melendez. Sunod-sunod ngayon ang mga pelikulang bida na naman ang dating Regal Baby.

 
Matapos magbida sa award winning movie ni Direk Louie Ignacio titled Asintado, muling nagbida si Aiko sa advocacy films na Tell Me Your Dreams at New Generation Heroes. Ang dalawang pelikula ay kapwa mula sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez para sa New Tiger Films.
 
Sa TV naman, humahataw si Aiko sa top rating TV series nilang Wildflower dahil sa kanyang magaling na performance rito with Maja Salvador and the rest of the cast.
 
Sa next offering naman ng BG Productions International, bida ulit si Aiko. Pinamagatang Balatkayo (An OFW story), kasama niya rito sina Polo Ravales, Nathalie Hart, James Robert, Christine Barreto, Rico Barrera, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan.
 
Ang role niya sa Balatkayo ay isang OFW na nagkaproblema dahil ang anak niya’y nagkaroon ng sex video scandal sa Pilipinas.
 
“It’s something na kakaiba ‘coz ‘yung relationship ko with my son dito is ‘di gaanong kagandahan and normally kasi, ang role ko is always iyong naloloko ng asawa. Eto, iba ang twist po, eh.
 
“OFW ako rito sa Singapore at si Polo naman ay OFW sa Dubai. Mag-asawa kami rito then, masasangkot sa sex-video scandal yung anak namin,” wika ni Aiko.
 
Ipinahayag din ng aktres ang sobrang kagalakan sa mga dumarating sa kanyang projects.
 
“Siyempre mas ganado po akong magtrabaho lalo kapag may mga ganitong projects and award, mas pagbubutihin ko pa po. I’ve been really blessed. It pays to really pray and it pays to be patient.
 
“I’m very happy and this year, I envision it to be a busier year for me,” saad ni Aiko.
 
Sa seryeng Wildflower naman, nagsimula na ang Book-2 nila at mas bad na Aiko raw ang mapapanood dito. “Nag-start na ang Book-2 and it’s gonna be bolder, wilder at tsaka sobrang lahat kami fierce. Yes po, mas bad pa ang character ko rito.”
 
Ayon pa sa aktres, sobra siyang nag-eenjoy maging kontrabida sa naturang serye.
 
“Mas masarap talagang laruin ang pagiging kontrabida. At saka challenge iyon sa akin, so, mas gusto ko talaga na maging kontrabida.
 
“Ito na ang pinakamasamang character na na-play ko. Pero maaawa rin sila sa pinanggagalingan ng character ko po, kasi api rin siya and also longing always for love and affection na hindi maibigay kay Emilia.”
 
Dito’y inamin niyang minumura na siya ng viewers dahil sa serye nila sa Dos, pero okay lang daw iyon sa kanya.
 
Pagtatapat ni Aiko, “Mayroong mga viewers po na minumura ako, pero surprisingly mas marami ang naaawa sa akin. Pero okay lang po na murahin ako ng viewers, dahil ibig sabihin ay effective po ako sa ginagampanan kong papel,” nakatawang saad pa niya.

 

Kiko Matos, gustong makatrabaho si Baron Geisler

Kiko Matos

Isa si Kiko Matos sa nanghinayang nang nawala si Baron Geisler sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz. Nang mangyari ang ihian incident sa shooting nito between Baron and Ping Medina.

 
Ano ang naging reaction niya nang nabalitaan ito?
 
Sagot ni Kiko, “Well, nakaka-disappoint lang, kasi akala ko ay makakatrabaho ko sa Bubog si Baron, eh. Noong nangyari iyon, ang akala ko ay pag-aayusin lang ang mga artista at tapos ay tuloy pa rin ang trabaho. Pero hindi iyon ang nangyari, nawala si Ping at nawala si Baron.
 
“Nakatrabaho ko na siya sa isang pelikula, sa Super Parental Guidance, pero isang eksena lang kami roon, eh. I was looking forward na magkakatrabaho kami sa Bubog,
 
“I’m still looking forward na makatrabaho ko pa rin siya sa isang project someday. Kasi sa ngayon, wala pa rin talaga, eh. And sa tingin ko magaling talaga si Baron, isa siya sa pinakamagaling na actor natin.”
 
Kayo ba, may instance na nagkapikunan dahil lasing si Baron?
 
“Well, sa tingin ko ay hindi na ako dapat mapikon kay Baron, eh. Kasi parang, given na siya eh… Pero, hindi ko rin naman masasabi kung hanggang saan ang limitasyon ko. Pero hanggat makaka-ilag o makaka-iwas ako, yun ang gagawin ko.”
 
Si Kiko ay gumaganap na isang pusher/hitman sa pelikulang Bubog. Tampok din dito sina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Karl Medina, Raffy Reyes, Kristofer King, Chanel Latorre, Rommel Padilla, Joshua de Guzman, Atty. Jemina Sy, at iba pa.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

Previous articleBlind Item: Veteran actress, sawsawera na, nanugod pa!
Next articleTO MY WONDER WOMAN: Tom Rodriguez, thankful sa pagmamahal ni Carla Abellana!

No posts to display