Ang kinatawan ng Cebu City na Beatrice Luigi Gomez ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2021. Ginanap ang coronation night sa Panglao, Bohol nitong Huwebes ng gabi, September 30.
Tinalo ni Beatrice, 26 years old Cebuana beauty queen, ang 27 iba pang kandidata ng Miss Universe kabilang na ag ibang early favorites na pumuwesto lang bilang runner-up at si Kisses Delavin ng Masbate na hanggang Top 10 lang.
Tinanghal namang Miss Universe Philippines Tourism ang bet ni Ariella Arida na si Katrina Dimaranan na kumakatawan sa Taguig. Si Victoria Vincent na representative naman ng Cavite ang Miss Universe Philippines Charity.
Wagi naman bilang first runner-up ang dating winner ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz ng Pangasinan habang ang kandidata ng Cebu Province na si Steffi Rose Aberasturi ang naging second-runner up.
Isa sa posibleng nagpanalo kay Beatrice ay ang sagot niya sa tanong na, “If, during your reign as Miss Universe Philippines, things happen in your life that make you sad and uninspired, how would you be able to continue inspiring others?”
Sagot dito ng dalaga, “It is very evident that all of us went through difficulties during this pandemic, but it is also proof that we are able to rise to the occasion, and if anything happen to me during my reign, I will not give up and inspire others by rising to the problems that I am encountering and by inspiring them that whatever you are going through, you will be able to overcome it.”
Bukod sa pagiging title holder ay si Beatrice din ang nanalo ng Best in Swimsuit at Best in Evening Gown sa naturang pageant. Lalaban ang Cebuana beauty sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa December.