Umabot na sa P915 milyon ang pinagsama-samang box-office figures ng lahat ng walong entry sa Metro Manila Film Festival 2015, as of January 3, 2016.
Bagama’t hindi pa rin naglabas ng listahan ng ranking ang MMFF 2015 Executive Committee, iginiit nito na pasok sa Top 4 highest-grossing films sa box-office (in no particular order) ang “My Bebe Love“, “Beauty and The Bestie”, “Haunted Mansion”, at “Walang Forever”.
Kabilang sa mga naglalalabang pelikula sa MMFF ang “All You Need is Pag-ibig”, “Buy Now, Die Later”, “Honor Thy Father”, at “Nilalang”.
Pero sa social media accounts ni Roxy Liquigan, Star Cinema Adprom director, sinabi nito na nangunguna na ang “Beauty and The Bestie“.
Sa post ng executive ng ABS-CBN: “NUMBER 1! #BeautyAndTheBestie !!!”, gayundin ang “#BeautyAndTheBestieNo1”
Sa post naman ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account noong January 1: “300Million THANKS to you Madlang People for making us number 1 in your hearts. #BeautyAndTheBestieSecondWeek”
Samantala, ibinunyag naman ng presidente ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar sa “24 Oras” na noong January 2, naabot na ng “My Bebe Love” ang P300 million mark.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores