KUNG BAKIT NAKATANGGAP ng text inquiry ang inyong lingkod mula kay Aiko Melendez as to how she would be able to get copies of a columnist’s tabloid articles (not published here in Pinoy Parazzi) ay nagkaroon na agad kami ng ideya.
Nitong Sabado ‘yon nu’ng mag-text si Aiko sa amin, paano raw ba siya makakakuha ng mga sipi (sipi raw, o!) ng mga isinulat ng isang kolumnista na ayon mismo sa kanyang paglalarawan ay “below-the-belt” na raw kung birahin siya sa mga pitak nito (pitak daw, o!).
The day before that, nakaantabay ang inyong lingkod sa official statement mula sa kampo ni Aiko supposedly through her manager Boy Abunda. Idadagdag ko sana ‘yon sa isinulat kong VTR script for Startalk TX to air the next day para naman hindi lang puro panig ng kanyang ex-boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Me-neses ang marinig.
However, Aiko’s camp declined. Nakikipag-usap na rin daw kasi ang aktres sa kanyang abogado makaraang itinuloy na nga ni Patrick ang kanyang bantang pag-dedemanda dahil sa umano’y mapanirang tweets sa pagitan ni Aiko at ng kanyang gay friend.
As it is now, ang pananaw namin sa isyung ito may be likened to a pregnant woman. Demandang libelo ang kinaharap ngayon ni Aiko and her alleged cohorts mula kina Patrick at Pandi Mayor Enrico Roque. Nanganganak ngayon ang usapin dahil mukhang nagbabanta namang idemanda ni Aiko ang kolumnista who started it all.
Kung anuman ang magiging “supling” ng “impregnated issue” na ito is all up to the “legal surgeons”.
Samantala, nais lang naming ikorek—yes, in defense of Aiko—na hindi tinukoy si Aiko sa pinapirmahang resolution ng League of Municipalities of the Philippines (Bulacan Chapter) declaring her in particular as “persona non grata”.
Mismong ang nagpasimuno ng naturang Resolution No. 03-2011 na si San Ildefonso Mayor Paula Carla Galvez-Tan (Secretary) did not CATEGORICALLY and DIRECTLY refer to Aiko, kundi ang mga taong nasa likod ng umano’y smear campaign laban kina Mayors Meneses at Roque.
It seems utterly unfair to Aiko na pinangalanan siya, gayong in fairness to what is contained in the resolution initiated by Mayor Tan ay nilinaw nitong wala silang pini-pinpoint na tao in particular.
The least that we can do—kung hindi man natin ma-take na maging Ambassador of Peace—is to simply adhere to the TRUTH. Katotohanan lang sana sa pamamahayag, hindi kung anupamang agenda to advance one’s personal interests… or VENDETTA lang po ba ito from a larger perspective?
“TOTOONG MAS UNA kong hinihimas ang manok ko kesa sa misis ko!” Ito ang dayalog ni Zandrew nang matuklasang nilason ng asawa ng kanyang kapwa sabungero ang pito niyang Texas. Katuwiran naman ng nanglason na si Fely, vetsin ang ipinakain niya sa mga manok ni Zandrew dahil bad influence daw ito sa kanyang dyowang si Wilfredo.
Another kuwentong katsipan na naman ito na hatid ng Face To Face ngayong Miyerkules na pinamagatang Dahil Si Misis Hindi Madalas Hinihimas, Manok ni Manoy Tuloy Minalas.
“Alam naman niyang buntis siya, laklak pa siya nang laklak ng alak, hayun, nakunan tuloy ang kinakasama mong mabunganga na, eh, ako pa ang madalas sinasaktan!” Ito naman ang himutok ni Jun laban sa kanyang live-in partner na si Nancy.
Ang ending, ipinagpalit ni Jun sa ibang babae si Nancy, kay Rona siya nagkaanak. Pero ayaw pakabog ni Nancy, nagkaroon daw siya ng miscarriage dahil ultimo pag-iigib ng tubig na dapat sana’y tungkulin ni Jun ay siya ang gumagawa.
Bukas naman ‘yan matutunghayan sa Face To Face na may pamagat na Sumakabilang Bahay Si Lalaki, Dahil Hindi Magkaanak Si Babae.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III