Hindi nakalampas sa isyu si Matteo Guidicelli sa tanong ng ilang entertainment press sa presscon ng pelikulang “Across The Crescent Moon” ng Gold Barn International nitong Monday, January 16, kung true ba na nagselos ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa bed scene nila ni Alex Godinez sa pelikula.
Si Alex ay ex-girlfriend nio Matteo at introducing sa nasabing pelikula. Si Matteo ang boluntaryong nagsabing ex-girlfriend niya si Alex at hindi basta childhood friend.
Sabi niya, “Hindi naman nagselos si Sarah… Pero ang masasabi ko, itong si Alex, childhood friend ko ito… hindi lang friend, ex-girlfriend ko ‘to. You know, what’s nice? We kept that close relationship together.
We remain friends until today. Siyempre, I’m proud we’ve got to work together. Who would have known the three barkadas will work after ten years?”
Paano niya napanatili ang good frendship nila ng kanyang ex-girl friend?
“Eversince naman, si Alex, sobrang bait naman ‘yan, she’s tying to keep in touch, mangungumusta ‘yun. Ganu’n din naman ako sa kanya. After all, hindi man tumagal ang naging relasyon namin, still na-value naman namin ang friendship,” sey ni Matteo.
Ano ang naging reaksyon ni Sarah nang malaman na ang makasasama mo sa pelikula at may bed scene pa, ay ang ex-girlfriend na si Alex?
“Wala naman siya naging reaksyon. Alam naman kasi ni Sarah ‘yun, naikuwento ko na sa kanya before we shoot pa. And she’s very understanding, alam naman niya na trabaho lang naman ito,” pahayag ni Matteo.
Sa True Lang
by Throy Catan