MARAMI NANG NAPABALITANG ‘di magandang kuwento sa relasyong Iwa Moto at sa non-showbiz boyfriend nitong si Mickey Ablan. Nagsanga-sanga na ang kuwento at umabot na diumano sa sakitan at sa pagtatangka pa diumano ni Iwa sa kanyang buhay. Pero ang isyung suicide diumano ay mahigpit na pinabulaanan ng malapit na kaibigan ng dalaga at housemate na si Justine Ferrer.
May kuwento pa na noong birthday (May 19, 2011) pa raw ng binata ay muli na namang may agawan ng cellphone, sa pagkakataong ito, si Iwa naman daw ang nang-agaw ng telepono ni Mickey at itinakbo daw sa loob ng compound ng GMA-7. Nagsisigaw pa daw si Iwa na may humahabol sa kanya gayong wala naman na ikinaloka daw nang mga security guard.
Una kasing napabalita noon na inagaw naman daw ni Mic-key ang cellphone ni Iwa habang nagti-taping ito sa GMA-7, na humantong daw sa basagan ng salamin ng sasakyan. At noong linggo raw, May 22, ay may balita na namang kumalat na diumano ay sumugod si Mickey sa apartment ni Iwa at pinagsisipa raw nito ang pinto at bintana. Hindi daw naabutan ng binata ang dalaga pero nagising ang mga taong nasa loob ng bahay, kasama na ang kaibigan at kasama sa bahay ni Iwa na si Justine.
At noong Linggo rin sa kanyang twitter account na @mickeyablan, nag-post ito ng mensahe na parang suko na nga itong si Mickey sa sitwasyon.
“Needs to get my life back… How? Where will I start? I thought going out and making a wreck of myself would be a start but it only made situations worse. Got to keel focusing in training nalang siguro…and fight in the ring or octagon. Prove something to myself…I’m not going to be selfish anymore, guess that would be a good start. I miss my life, I miss everything about it, miss the late nights that and early mornings when I would pick you up at work… I’m sorry for everything… I’m not a rock, I have feelings that most people won’t expect how soft I am… for the last time, I love you… You know who you are… I will always remember you as someone special to me and my fa-mily… Love you boss :(”
Noong lunes, habang nasa radyo kami sa Cristy Ferminute sa Radyo Singko, napag-usapan namin (nina ‘Nay Cristy Fermin, Elmer Reyes at Richard Pinlac) ang tungkol sa diumano’y panunugod ni Mickey. Tiyempong nakikinig naman ang binata at nag-text ito kay Richard nang paliwanag. Aniya, “Totoo, pero may dahilan kaya nangyari ‘yun at na-exaggerate lang,” patungkol sa panunugod daw niya sa bahay ng kasintahan.
Hindi na ipinaliwanag ni Mickey ang totoong dahilan at naunawaan namin ito. Dugtong pa niya, “Love ko pa rin si Iwa kasi after all sa lahat ng pangyayari.” Hindi pa rin nakitaan nang pagsuko si Mickey sa kanyang pagmamahal sa dalaga at sa huli nitong mensahe, sinabi nitong, “Salamat, ha? Basta mabait naman si Iwa, sana lang huwag din siya ma-judge, ‘pag ang tao galit minsan, may nagagawang ‘di maganda. Salamat sa magaganda niyong sinabi.”
At noong Lunes ng gabi, sa Twitter pa rin ni Mickey, nag-post ito ng mensahe tungkol sa sakit na kanyang nararamdaman.
“Sometimes you need to get hurt to move on as in really hurt. Hear what you’re not suppose to hear, know what you’re not suppose to know. Shouldn’t have listened to that phone call… If me-ron word na iba para sa ‘hurt’, mas grabe pa ‘yung nararamdaman ko… Haaay.”
Last year, panahon ng Holy Week noon, saksi kami sa pagiging gentleman ni Mickey sa pag-alalay kay Iwa sa upuan nito. Natiyempuhan kasi namin ang magkasintahan sa isang resto sa Boracay noon during our coverage for Juicy. Kahit sandali lang namin silang napagmasdan dahil hindi kami pinayagan ng mga taga-kabilang istasyon na ma-interview si Iwa, dama namin ang ka-sweetan ng binata sa dalaga.
Sa ngayon, may nakapagsabi sa amin na gusto na ng pamilya ni Mickey na pagbakasyunin muna ito sa ibang bansa para siguro ay makalimutan na ang mga pangyayari at siguro ay mailayo na rin kay Iwa. Kung saan hahantong ang masa-limuot na pag-iibigang Mickey at Iwa ay tanging kapalaran na lamang ang makapagsasabi.
Nakakalungkot man, pero ito ang katotohanan ng buhay, na minsan ang masayang samahan ay hindi nanga-ngahulugang lahat ay may happy ending. Paminsan-minsan ay may masakit din itong pagwawakas.
Bukas po ang kolum na ito sa panig nina Iwa at Mickey.
Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato