UMUWI AKO ng house nang maaga last Monday just to watch the premiere episode of My Husband’s Lover. Sa teaser nila, mukhang interesting ang bagong serye ng Kapuso Network dahil kung hindi ako nagkakamali unang serye ito sa telebisyon na tatalakayin ang “gay affairs”. In na in sa masa ang peg lalo pa’t about kabaklaan ang kuwento. Pero naloka ako. Luma at passe ang mga eksena.
Akala ko pa naman, ang bagong teleserye ng Kapuso Network ang magbabago sana sa viewing habit ko. ‘Yun naman pala, walang bago. Komiks na komiks o very radio drama sa DZRH noong 80’s na ang mga karakter nila ay nakakahon.
Inang nag-puta (Glydel Mercado – she’s very good sa role niya kahit luma na ang characterization) para mapakain ang dalawang anak, na nagsumikap para maitaguyod ang ulirang anak (played by Carla Abellana) para mabigyan ng maayos na buhay. Habang ang mayamang pamilya ni Tom Rodriguez (ang lalaking nakabuntis at napangasawa ni Carla) na ginagampanan naman ng kanyang ina na mukhang matabopre (Kuh Ledesma) at amang si Roi Vinzons na siyang pambalanse sigurado sa karakter ni Kuh ay hindi na bago.
Excited pa naman ako pero… waley!
Kaya naman pala natutulog ang GMA-7 at kumakain ng alikabok sa mga teleserye ng Kapamilya Network na mas mabilis, mas mabibitin ka at aabangan mo ang mga susunod na mga kabanata.
Sabihin na nating “dramang-drama” ang mga teleserye ngayon sa telebisyon, mas nae-excite pa rin ako sa mga palabas ng Kapamilya Network kaysa mga palabas ng Kapuso.
‘Yung pre-programing ng My Husband’s Lover na hindi ko naman tinangkang panoorin (just for the sake na hindi ko makalimutan at makaligtaan ang MHL) ay napanood ko rin na pinangunahan nina Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon ay isa pang palabas na pasaway. Ang dialogue the nerve. Ang mga eksena’t confrontation, isa pang pasaway.
Ang mga Pinoy talaga, pang teleserye na nga ang kuwento ng kanilang mga totoong buhay, pati ba naman sa kanilang mga mura at libreng dibersyon ay dramang “ewan” pa rin?
Hopefully, may positive development ang My Husband’s Lover sa mga susunod na episodes at aabangan namin.
Post sa FB ng kaibigang Ivy Liza Mendoza, former Education Section editor ng Manila Bulletin na cliché na cliché ang mga eksena. Pero ang kaibigang manunulat at Palanca winner na si Ronald Carballo, ang say niya sa bagong-lumang teleserye ng Kapuso: “Tipikal ka-cheapang drama-dramahan pa rin. Banung-bago ang structure ng script at lalo naman ang pagkakasulat nito pati direksyon ni Dominic Zapata. Walang kabrilyo-brilyo for a pilot episode.”
Sa Biyernes, makapunta na nga ng Quiapo nang makabili ng mga bagong pirated DVD at baka matuwa pa ako.
KUNG SI Bea Alonzo may Zanjoe Marudo, si Toni Gonzaga may Paul Soriano at si Angel Locsin may Phil Younghusband, iisipin mo na hindi yata swak si Shaina Magdayao sa co-stars niya sa Four Sisters and a Wedding ng Star Cinema.
Habang masaya ang tatlo na pinag-uusapan ang kani-kaniyang lovelife, si Shaina, quite lang.
“But I’m not in a hurry,” sabi niya.
She had her happy days kung saan na-enjoy naman niya ang kanyang previous relationships at ang latest nga ay si John Lloyd Cruz.
“I’m not in a hurry to find Mr. Right,” sabi ni Shaina.
Sa June 26 na ipalalabas ang pelikula nilang apat (as the four sisters) with Enchong Dee na siyang ikakasal na subject ng mga diskusyon ng magkakapatid na nagmamahadera sa kanilang kapatid na magpapakasal.
Sa presscon, aliw at laugh trip ang karamihan dahil sa kakenkoyan ni Toni habang sina Bea at Angel naman ay pa-prim and proper, walang dull moments noong gabing ‘yun.
Reyted K
By RK VillaCorta