MATAGUMPAY NA IDINAOS ng Mowelfund ang kanilang “Tribute to the Philippine Motion Picture Industry” on it’s 92nd year na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo, CCP Main Lobby. Present sina Joseph Estrada, Eddie Romero, Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Phillip Salvador, Mother Lily Monteverde, Tirso Cruz III, Celia Rodriguez, Rez Cortez at MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares. Ilan lang ito sa mga artistang aming namataan.
Hindi nakarating si Ronnie Ricketts dahil nasa Quiapo raw ito at niri-raid ang mga pagawaan ng mga pirated DVD. Ang ibang artistang binigyan ng parangal ay hindi nakadalo, ang dinadahilan ay ang walang tigil na pag-ulan. Nang matapos mag-speech sina Mother Lily at MTRCB Chairperson Mary Grace, umalis na agad ang mga ito. Hindi nagtagal, natapos na rin ang pagtatanghal.
Hindi agad namin nakilala si Bela Padilla habang papalabas siya. Nag-emote muna sandali sa lobby with her friends. Unang tingin kasi, pagkakamalan mo siyang si Bea Alonzo. Mukha, tindig, pa-ngangatawan at taas. Pati nga boses at pananalita, malaki ang pagkakahawig nito kay Bea. Maging sa teleseryeng Machete ni Aljur Abrenica, pati style of acting, gayang-gaya niya ang magaling na actress. Tuloy, nawawalan siya ng sariling identity.
Kapansin-pansin din ang napakagandang gown na suot ni Bela ng gabing ‘yun. Pero teka, parang nakita ko na ang gown na suot niya. Parang hawig sa gown na ginamit ni Pops Fernandez sa kanyang concert. Para makasiguro, nilapitan ng aming kaibigan si Bela at tinanong kung sino ang designer na gumawa ng kanyang gown. Ang sabi ng dalaga, “Si Francis Libiran po,” pagmamala-king turan nito. Tama ang aking hinala, pinahiram lang ng nasabing designer sa dalaga ang suot niyang gown.
KAHIT INIINTRIGA, PINAGTATAASAN ng kilay ang mga drama sa buhay ni Joel Cruz. Wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Gusto lang daw niyang i-enjoy ang life dahil once lang siyang mabubuhay sa mundo. Ang latest acquisitions niya ngayon ay isang yate na nabili niya from an Australian guy. Equipped with two bedrooms, and sizable enough to accommodate 50 people. Binili ang luxurious water vessels last January for his birthday.
Gusto rin ni Joel bumili ng chopper at mag-enroll sa isang pilot school pero ayaw raw siyang payagan ng kanyang mother dear. Nasa ika-32 palapag ng Pearl of the Orient Tower ang unit niya. Sa bago niyang unit sa Gramercy condominium in Makati, he occupies the penthouse. It’s the tallest building in the Philippines, ayon sa kanya.
Aside sa tatlong condo units, residence near Quad in Makati, dalawang resthouse sa Tagaytay. Inuumpisahan na ang contruction ng Baguio hideaway ni Joel sa Camp John Hay with swimming pool sa basement (equipped with heater) at elevator. Pangarap pa rin niyang magkaroon ng house sa Hong Kong.
Wala na yatang mahihiling pa ang isang Joel Cruz, nasa kanya na ang masaganang pamumuhay na pinangarap niya. Pero may kulang pa rin daw, gusto niyang magkaroon ng mga anak through artificial insemination. Bibili siya ng egg cells from foreigners while undergoing treatment to produce sperm cells.
Hindi pinangarap ni Joel na mag-adopt, kasi katuwiran niya, “I want my kids, my heirs to have some semblance of being my own. Laban ka, Gem Manuel?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield