HINDI pa man napapalabas sa mga sinehan ang Philippine adaptation ng Korean box-office hit na ‘Miracle in Cell No.7’ kung saan siya ay may special participation, isa na namang original concept from South Korea ang pagbibidahan ng magaling na aktres na si Bela Padilla.
This time, ipapares si Bela sa bagong paboritong hunk leading man ng Viva na si Marco Gumabao. Sina Marco at Bela ang bida sa ‘Spellbound’ na nasa ilalim ng direksyon ng ‘Edward’ director na si Thop Nazareno. Sa mga hindi nakapansin, early this month ay nagbida si Bela sa pelikulang ‘Mananita’ ni Paul Soriano. Hindi namin ito napanood dahil napakalimited ng screenings nito. Sa sobrang limited ay na-pull out na lang ito bigla.
Siguro, mas gusto ng fans ni Bela na mapanood siya sa isang romance film – whether that is dark or light. Matutupad na ang hiling ng mga fans niya dahil isang fantasy-romance ang Spellbound at bago sa paningin ng madlang pipol ang pagsasama nila ni Marco Gumabao.
Hindi maipagkakaila na sina Marco at Bela ang dalawa sa mga paborito ng Viva Films. Maliban sa ‘Spellbound’, Marco is set to appear in with Lovi Poe and Marco Gumabao in ‘In Between Goodbyes’ na target ipalabas for Valentine’s Day next year at ang thriller film na ‘Rooftop’ with Ryza Cenon, Rhen Escano and Marco Gallo.
Si Bela naman ay may pending reunion project with JC Santos na follow-up sa successful hugot films nila like ‘100 Tula Para Kay Stella’ and ‘The Day After Valentine’s’. Sa sobrang busy ‘yata nila ay on-hold muna ang shooting ng pelikula.
While waiting, suportahan natin si Bela sa ‘Miracle in Cell No. 7’ kung saan gaganap siya na grown-up daughter ni Aga Muhlach na isa nang ganap na abogado at ipaglalaban ang injustice na naranasan ng namayapang ama. Kasali ito sa 2019 Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa na sa December 25.