By Mica Rodriguez
HALOS MALAPIT nang matapos ang taong 2012, ngunit patuloy pa rin ang GMA-7 sa pagpapakilala ng mga bagong leading ladies sa pamamagitan ng GMA Afternoon Prime. Kung sa Sisid at Hiram na Puso ay pagmamaldita ang ipinamalas na talent ni Bela Padilla, ngayon ay gigiling ito para umangat at maghiganti bilang si ‘Magdalena’.
Matagal-tagal na rin sa showbiz si Bela Padilla, na unang na-kilala bilang Krista Sullivan at Krista Valle. Maybe it is in the name, napansin ito ng GMA-7 at ipinasok bilang Yumi sa Philippine remake ng Endless Love some years ago. Dito rin niya unang nakasama si Dingdong Dantes at dito nag-ugat ang ‘misunderstanding’ nila ng Primetime Queen na si Marian Rivera.
Isa rin siya sa naging leading lady ni Aljur Abrenica sa Machete. Sumabak ito sa pagiging kontrabida sa ‘Sisid’, kung saan siya na-kipag-talbugan sa aktingan at kaseksihan kay Jackie Rice. Dahil sa proyektong ito, nagkaroon ng interes sa kanya ang FHM Philippines at ginawa itong covergirl noong Marso. Naging kontrobersyal pa ang unang cover photo ng nasabing isyu dahil ‘racist’ daw ang konsepto nito. Maliban sa pagmomodelo ng iba’t ibang produkto, isa ring writer para sa broadsheet magazine ang dalaga. Taray lang, huh?!
Nahasa lalo ang acting skills ni Bela sa programang ‘Hiram sa Puso’, kung saan niya nakasama sina Mark Herras at Kris Bernal. Dito siguro nakitaan ng potensyal ng Siyete ang aktres na puwede na itong ma-elevate sa leading lady status.
Base sa teaser na ipinalabas sa GMA, mukhang mapapasabak sa matinding pagpapaseksi itong si Bela Padilla. Kasama rin niya rito ang equally sexy men na sina Dion Ignacio, Pancho Magno, Ryan Eigenmann at Vivo Ouanio.
Sa Oktubre 8 na nakatakdang i-ere ang pilot episode ng Magdalena. Magtuluy-tuloy na kaya ang suwerte ni Bela Padilla bilang lead actress? Goodluck!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club