EXCITED NA si Bella Padilla dahil malapit na siyang ilunsad bilang bida sa Magdalena at dahil matagal niya itong hinintay, gagawin daw ang lahat ng ipagagawa sa kanya ni Direk Gina Alajar.
Title pa lang, alam mo na daring ang karamihang eksenang ipagagawa sa kanya. Pero matapang na sinabi nito na okey lang at walang problema basta kailangan sa istorya.
Kontrabida niya sa series si Pauleen Luna na okey rin at walang problem na ma-typecast bilang kontrabida. Pagkakaiba lang sa pagiging kontrabida ni Pauleen sa series ay kontrabidang mahirap ang gagampanan niya not like sa mga ginagawa nito na isang glamorosang kontrabida.
Samantala, naipagmalaki ni Pauleen na matatapos na ang bahay na ipinapatayo nila at ang mismong mother niya ang tumatayong arkitekto ng bahay.
Ikinagulat lang ni Pauleen na pagbinta-ngan na gastos daw ni Bossing Vic Sotto ang ipinagpatayo nilang bahay.
Imbes na patulan ay dinedma na lang ni Pauleen ang isyu para hindi na raw humaba pa, dahil wala naman daw katotohanan.
SA DAMI ng endorsement ngayon ni Anne Curtis na ang latest ay sa ng isang instant coffee brand, tinanong tuloy siya ng press na tinalbugan na niya si Kris Aquino kung paramihan ng product endorsement ang pag-uusapan.
Kaagad naman iyong pinalagan ni Anne. “Naku! Kay Ate Kris (Aquino) ‘yan. Kahit na bansagan na Queen of All Media dahil sa sinabi ninyo na lahat ay pinasok ko na. Puwedeng Princess na lang. Kasi kay Ate Kris talaga ang title na ‘yun. Princess na lang ako,” say ni Anne.
Ask naman kung kailan at anong edad niya planong lumagay sa tahimik?
“Ayoko ko nang magbigay ng edad. Kasi dati, sabi ko at the age of 25 ay mag-aasawa na ako. Eh, 27 years old na ako ngayon. Ayoko nang mag-asawa at the moment,” pahayag ni Anne na super seksi at kinis pa rin ng kutis.
HINDI KAMI naimbitahan sa presscon/ dinner ni Laguna Governor ER Ejercito para kay Nora Aunor last Wednesday, kahit na harapang sinabi at inimbitahan kami ni Gov. ER nang magkita at magkausap kami sa 4th PMPC Star Award for Music kamakailan lang na ginanap sa Meralco Theater.
Anyway, ayon sa mga nakausap naming kasamahan sa press, binigyang-linaw ni Gov.ER sa nasabing presscon na kaya nalaglag si Carla Abellana sa El Presidente movie na entry sa Metro Manila Film Festival this coming December ay dahil naging busy si Carla at kailangan na nilang simulan ang movie kaya pinalitan lang ito at ang ipinalit ay si Cristine Reyes.
Malaki rin ang paniwala ni Gov. ER na hindi makaaapekto sa movie nila ang pagkuha sa younger sister ni Ara Mina kahit na nega ang dating ni Cristine Reyes.
Naniniwala kasi si Gov na ma-galing na actress si Cristine at magagampanan nito ang role na isa sa mga naging girl ni Gen. Emilio Aguinaldo, bukod sa role ni Nora Aunor na isa rin sa naging wife ni Aguinaldo.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo