BELA PADILLA wears many hats. Hindi lang siya basta magaling na aktres, manunulat at producer – isa na rin siyang movie director!
Yes, tuluyan na ngang pinasok ng box-office star ang pagdidirek ng sariling pelikula. Bonus pa na siya rin ang scriptwriter nito at hindi na kami surprised kung siya rin ang isa sa producers nito.
Hindi pa klaro sa amin kung ano ang kuwento ng 366, pero ito ang bilang ng araw sa isang taon kung may leap year. Leading men ni Bela sa pelikula ang mga dati niyang onscreen partners na sina JC Santos (100 Tula Para Kay Stella, The Day Before Valentine’s at On Vodka, Beers & Regrets) at Zanjoe Marudo, na huling nakasama niya sa family series ng ABS-CBN na ‘My Dear Heart’ at balitang nagkaroon ng ‘something’ noon.
Hmmm… about ‘the one that got away’ o TOTGA pa ang kuwento ng pelikulang ito? Exciting!
Hanggang ngayon ay may demand pa rin ang ZanBel (Zanjoe and Bela) fans na magsama man lang sana ang dalawa sa isang proyekto and yes, ito na ‘yun! Natupad na siya at abang na lang tayo sa playdate dahil mukhang malapit-lapit na tayong paiinlabin at sasaktan ng Queen of Hugot Movies na si Bela Padilla. Siguradong mas bongga ang hugot dahl siya mismo ang nagsulat ng kuwento. Actually, siya na lahat! Hahaha!
Sa mga hindi nakakaalam, si Bela Padilla rin ang sumulat ng screenplay ng Piolo Pascual-Toni Gonzaga starrer na ‘Last Night’ na ipinalabas noong 2017. Ilan sa mga ibang proyekto na may direct involvement siya ay ang Camp Sawi, Luck at First Sight at Apple of my Eye.
Maliban sa 366 ay inanunsyo na noon ng Viva na si Bela ang napili para sa remake ng iconic South Korean romance-fantasy film na Spellbound, na unang pinagbidahan ng KDrama superstars na sina Son Yerin at Lee Minki.
Natapos na rin ni Bela ang pelikulang ‘Ultimate Oppa’ kung saan katambal naman niya ang ‘Record of Youth’ villain na si Kim Gunwoo. Kailan kaya ito ipapalabas? Mauuna bang ipalabas ang 366?