Bongga ang bagong pelikula ng Viva Films na sa titulo pa lang, “Camp Sawi”, alam mong drama ito ng mga hugot sa puso na hinaluan ng komedya.
Pagsamahin mo ba naman ang mga nagse-seksihan na mga girls ng showbiz na pantasya ng mga kalalakihan, saan ka pa?
Kaya nga sa pelikulang “Camp Sawi” na nasa direksyon ni Irene Villamor (siya ang direktlor ng “Relax, It’s Just Pag-ibig” na nagustuhan ko personally dahil totoong-tutoo at napaarte niya nang natural ang mga bida na sina Sofia Andres, Iñigo Pascual, at Julian Estrada) malamang, mag-e-enjoy ako sa mga karakter nina Andi Eigenmann, Bella Padilla, Yassi Pressman, Kim Molina, at ang bagong pantasya ng mga boys at girls na si Arci Muñoz.
Sa tema ng pelikula, aliw at very pang-millennials ang istorya dahil nagsama-sama ang mga girls na puno ng hinanakit sa kinahinatnan ng mga buhay pag-ibig nila.
Si Andi, may emote tungkol sa kanila ni Jake Erejito. Gayon din si Arci na sa past releationship niya, pang “Camp Sawi” nga naman sa sobrang sakit na naramdaman niya nang magkahiwalay sila.
Maganda ang konsepto ng pelikula na katuwang na binuo ni Bella Padilla (she plays the role of Briggete) at ng boyfie na si Niel Arce at ng mga kaibigan niya like Boy 2 Quizon and Cholo Barretto and some non-showbiz friends, at ang film outfit na N2.
Kung ang mga beki ay mayroong “That Thing Called Tanga Na”, ang girls, mayroon namang “Camp Sawi” na tatalakay sa past loves, aspirations sa kanilang lovelife, at magiging future sa kanilang magiging boyfie.
I’m sure, ito ang tipo ng pelikula na gusto kong panoorin. Maliwanag, hindi magulo ang camera shots, at aliw lang. Pelikulang cool na hindi ako magsasayang ng oras.
Like “Camp Sawi” after watching the full trailer.
Reyted K
By RK VillaCorta