KADALASANG biktima ng bashing sa social media ang maraming celebrity kagaya ni Bela Padilla kaya naman nabigay siya ng reaksyon tungkol dito.
Ani Bela, “Minsan merong issue na sobrang mabigat pero hindi tayo tinatamaan. Doon pa tayo sa maliit minsan nasasaktan o minsan napipikon. I think we all process these comments… and yon nga, pagpuna, very differently.”
Si Bela ang bida sa pelikulang 366 kung saan siya rin ang writer at director.
Iginiit din ni Bela na hindi siya sang-ayon na ginagawang normal ang pagki-criticize sa mga artista lalo na kung may kinalaman ito sa mga personal nilang buhay.
“No, I don’t think so po. Kasi at the end of the day, kami, trabaho lang din namin ito ginagawa namin. Kung nasa office po ba tayo, is it okay na naninita tayo o namumuna tayo ng mga tao? Di ba, merong HR (Human Resource Department) sa opisina pag may mga ganitong situation?
“I guess, ang difference for us actors is wala kaming ganu’n, wala kaming sumbungan na tutulong sa amin pag may ganitong nangyayari,” lahad pa niya.
Sana naman daw kung walang magandang sasabihin ang mga netizen ay sarilinin na lang nila ito para hindi na lang makasakit ng damdamin ng iba.
Pakiusap ni Bela, “Sana, to begin with, kung hindi mo gkayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet. Huwag mong i-comment sa Instagram page ng mga tao.”
“Hindi kasi tama, eh, lalo na may pinagdaanan na tayong global pandemic. Parang we’ve all gone through something so big, tama pa ba na naninita tayo ng maliliit na bagay?
“Saka 2022 na. Hindi na appropriate po na nagsasabi tayo ng mga ganitong bagay na nakakalungkot lang o nakakaapekto sa isang tao,” pahabol niyang pahayag.
Samantala, leading man ni Bela sina Zanjoe Marudo at JC Santos sa 366 na mapapanood sa Vivamax.
“Alam kong maasahan ko sila, so when Viva told me na sila ang makakatrabaho ko, I’m so happy kasi I know they’ll do well for a first time director like me. I really want to thank these two guys for supporting me in my directorial debut. I want it kasi to be collaborative and I don’t want any negative vibes on the set,” pahayag pa ng tinaguriang Philippine Cinema’s Queen of Hearts.