MEA CULPA: Sino ang Maysala? Sa ending ng suspense drama ng ABS-CBN noong 2019 ay napatunayang si Juris (ginampanan ni Bela Padilla) ang may pakana ng mga nangyaring trahedya sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Sino ang napakabonggang Kapamilya actress na ginalingan talaga ng bonggang-bongga ang kanyang performance bilang lawyer/mommy na may mga itinatagong madilim na lihim? Walang iba kundi si Bela Padilla, na hindi lang sa Pilipinas napapansin ang galing kundi maging sa ibang bansa tulad ng South Korea!
Si Bela Padilla ang nag-iisang Pilipina na nominado sa Best Actress category ng pretihiyosong Seoul International Drama Awards 2020 dahil sa kanyang makatotohanang pagganap bilang Juris sa Mea Culpa: Sino ang Maysala na napanood sa ABS-CBN noong nakaraang taon.
Anim na artista mula sa iba’t ibang bansa ang nominado sa Best Actress category. Ito ay sina Si-Eun Park ng Everything and Nothing (South Korea); Zuzanna Stinova ng Trap (Czech Republic) ; Hyo-Jin Kong ng When the Camellia Blooms (South Korea); Imelda Staunton ng Flesh and Blood (United Kingdom); Shu-qin Ke ng My Father’s Words (Taiwan) at Ji-Eun Kim ng I Have 3 Boyfri3nds (South Korea).
Proud na proud si Bela na ibinalita ito noong August 6 dahil kapwa niya nominado ang beteranang British actress na si Imelda Staunton na kilala bilang si Professor Dolores Umbridge sa Harry Potter franchise.
“Thank you!!! To be nominated with Ms. Hyo Jin and professor Umbridge herself!!!!! is honestly the most kilig part for me,” Bela tweeted the same day.
Noong nakaraang taon ay inuwi ng Kapuso actor na si Alden Richards ang Asian Star Prize (Male Category) at ang dating onscreen partner naman ni Bela na si Dennis Trillo ang kauna-unahang Pinoy actor na nag-uwi ng tropeyo noong 2016.
Maliban sa nakakabilib na nominasyon ni Bela bilang aktres ay nominado rin mismo ang Mea Culpa: Sino ang Maysala? sa Serial Drama category. Ang ibang nominado ay ang mga sumusunod na programa: Bolivar (Colombia); Ever Night S2 (China); Mr. Fighting (China); My Father’s Words (Taiwan); Orphans of a Nation (Brazil); The Choice (Turkey) at The Thunder (China).
Congratulations and Goodluck to you Bela Padilla and the rest of the Mea Culpa team!