Belladonnas at Clique 5 suportado ng award-winning actors sa ‘Codep’

Clique 5 and Belladonnas

AYON kay Len Carillo , bukod sa singing ay dapat ding abangan ng fans ang ginawang advocacy film ng Belladonnas at Clique 5 na mina-manage niya. Nasa post production na raw ang pelikula at malapit na itong matapos.

May working title na Codep ang pelikula na tatalakay sa drug addiction ng grupo ng mga estudyante.

“Hindi naman lahat sila bida. Siyempre, kung sino lang muna yung babagay sa role yon yung pinili namin. So far, satisfied naman ako sa performance nila. Nagbunga naman yung kanilang acting workshops,” kuwento pa niya.

       Ang Codep ay prinodyus ng 3:16 Film Productions at idinirek ni Buboy Tan na siya ring sumulat ng script.

Ilan sa mga magagaling na artista who generously shared their talents sa Codep ay ang mga award-winning actors na  sina Rosanna  Roces, Ana Capri, Ma. Isabel Lopez at Ronnie Lazaro.

       “Gusto ko kasi na maging memorable experience para sa mga bata na makatrabaho nila yung magagaling  at award-winning actors para lalo silang ma-motivate umarte. And I’m thankful na pumayag naman silang lahat na maging part ng advocacy film namin,” sey pa ni Len. 

       Samantala, kabi-kabila ang shows at school tours ng Clique 5 at Belladonnas. Na-experience na rin nilang mag-show sa Japan para sa mga kababayan nating Pinoy.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleArjo Atayde, swak sa role na dapat kay John Lloyd Cruz?
Next articleON INAH & JAKE ROMANCE: “MALAY NIYO, NEXT YEAR SAWA NA KAYO SA ISA’T ISA!” – JOHN ESTRADA

No posts to display