PUSPUSAN NA ang paghahanda ngayon ng grupong Clique V at Belladonnas para sa nalalapit nilang back-to-back concert na gaganapin on Feb. 23, (Saturday) 7 p.m. sa Skydome ng SM North EDSA.
“This Is Me.” (yes, kasama yung period sa Me) ang title ng concert at ayon sa 3:16 Events & Talent Management may mga surprise guests na makakasama ang grupo sa kanilang concert na ia-announce nila very, very soon.
Since December (2018) pa nang magsimula ang rehearsals ng dalawang grupo para sa kanilang production numbers. Kahit holiday season they make it a point na mag-practice kasama ng kanilang voice coach and choreographer.
“Maaga po kaming nag-start mag-rehearse para mas mapaghandaan yung mga gagawin namin. We want to level up as a performer. Yung mga napanood kami sa first concert namin sa Music Museum tiyak na magiging proud sa mga gagawin namin ngayon sa show,” kuwento ng mga members ng Clique V.
Ayaw namang patalbog ng Belladonnas dahil kahit sila ay may mga pasabog din daw na production number sa concert.
“We want the audience to enjoy our performances sa concert. They can exect a more sexier and fiercer Belladonnas sa “This Is Me.,” pagmamalaki naman ng all-female group.
Well, let’s see kung paano magpapatalbugan ang dalawan grupo sa stage on Feb. 23.
Samantala, mapapanood na sa kanilang Youtube channel ang bagong music video ng kanilang latest song — Clique V para sa kantang “Sana Naman” (composed by Marlon Silva) at Belladonnas para naman sa song na “Sa Una Pa Lang” (composed by Blanktape Mandangan) na choreographed by Mia Pangyarihan of Sexbomb and directed by Neal Tan.
La Boka
by Leo Bukas