SA TINDI ng kompetisyon ngayon ng mga all-female at all-male group sa showbiz ay masuwerteng nakaka-survive pa rin ang grupong Belladonas at Clique V. The two groups are being managed by Len Carillo of 3:16 Events and Talent Management.
Aware sila na hindi talaga ganun kadaling sumikat at magkaroon ng pangalan sa showbiz pero naniniwala sila na kung patuloy silang magtitiyaga ay magkakaroon din ng magandang resulta ang lahat.
“We know that it’s really not that easy to create a names in the industry but we are all hoping that someday, kahit maliit na pangalan lang ay makagawa po kami,” pag-asam ng 2 grupo.
More than two years nang sumasailalim sa iba’t ibang klase ng workshops – singing, acting and dancing – ang Belladonnas at Clique V kaya sanay at bihasa na sila. Every time na magpe-perform din sila sa mga events ay hindi maiwasang mapa-wow ng audience.
Komento nila, tutok daw sa kanilang training ang 3:16 Management at sinisiguradong may matututunan sila.
“The way the perform is a reflection of their training at kung gaano sila kadisiplinado,” sambit ng kanilang manager. “Matiyaga din ang mga bata at hindi pa naman masyadong pasaway,” pabirong hirit ni Len.
Sa nakaraang PMPC Star Awards for Music nitong Januaury 2020 ay nag-perform ang Clique V at Belladonnas ng sikat na Tala dance moves. As expected, namangha ang audience sa kanilang execution. It really showed their maturity as a performer na siyempre ay ikinaka-proud ng kanilang management team.
This year, muling haharapin ng Clique V at Belladonnas ang panibagong challenge para manatiling relevant sa showbiz industry. Susubukan nilang mas i-level-up pa ang kanilang performance at lumabas na rin sa kanilang comfort zone by doing more sensual dance moves.
Samantala, 2 members ng Clique V ang pansamantalang hindi na muna nakakasamang mag-perform ng grupo. Sila ay sina Karl Aquino at Gelo Alagban na produkto ng Starstruck 7 at ngayon ay contract star na ng GMA Artist Center.