Bembol Roco: Batikang Aktor ng Dekada ‘70

1 Maestro-Orobia-Bembol-Rocco 2 Maestro-Orobia-Bembol-Rocco 3 Maestro-Orobia-Bembol-RoccoMATAGAL-TAGAL NA rin akong manunulat at naging alagad ng media. Nandoon akong maging komentarista sa radio sa sining. Ang magsulat ay hindi dahil mahusay tayo sa larangang ito. Dapat din nating malaman kung ano ang intensyon ng sinusulat mo o ang value nito para sa mga tinutukoy nating kapaki-pakinabang.

Minsan maaari nating isiping tama tayo, pero maaaring iba ang epekto sa iba. Kaya nagkakaroon ng negative effect sa taong pini-pinpoint nito. Nitong mga nakaraang araw, may mga pagbabago akong napansin. Ang mga networks, nagkaroon na ng sariling paniniwala at pananaw sa kanilang gusto.

Marahil, nais nilang ingatan ang kanilang mga artista kaya tila nagkaroon na sila ng sariling mga konsepto sa kanilang programa sa telebisyon na mga balita at tsismis tungkol sa kanilang mga artista. Kaya sa paningin ko, nagkaroon na ng distansiya ang mga writer na taga-labas. Bagay na masasabi nating bahagi ng buhay libangan nating mga Pinoy lalo’t na nakararami ang masang Pilipino. Mukhang maging ako’y mahihirapan upang mag-interbyu ng mga artista. Eh, ano pa ba ang isusulat ko? Hindi naman maaaring maghagilap na lang ako ng mga balita. Mukhang hindi ‘ata sanay ako sa ganyan. Anyway, baka malibang, mag-iba ako ng linya o maghagilap kaya, o tinatawag na ambush interview.

Naks! Dahil dito0, pinagkakaabalahan ko tuloy ngayon ang aking mga gawain upang mabuhay sa araw-araw; ang magpinta at magkaroon ng art eksibit. Bahagi na kailangang magpa-imprenta ako ng artworks ko sa canvas bilang reproduction para sa mga hindi maka-afford sa halaga ng original na paintings.

Pero naisip ko, baka mag-mass production ang pinagawan ko ng repro. Kaya napagpasyahan ko na lagyan ng seal stamp at may lagda ako sa likod para alam kong sa akin nanggaling. Kaya ‘yung mga dati kong collector na hindi ko nabigyan ng authentication ay maaaring makipag-ugnayan sa akin upang kilalanin ang kanilang mga painting na mula sa akin.

NARITO NAMAN ang aking panayam sa batikang actor na si Bembol Roco. O ang hinahangaan nating batikang artista ng dekada ‘70. Ito si Bembol. Mayroon pa siyang sinasabi noong liwanag, ‘di ba? Ah, ‘yung “Maynila sa Kuko ng Liwanag”

Ah, hehe.. Ano sir, liwanag sa Maynila? Ah, ‘Maynila sa Kuko ng Liwanag!”

Si Bembol o si Rafael Aranda Roco sa tunay na buhay ay ‘di matatawarang aktor. Hanggang ngayon, sikat pa rin siya kahit sa larangan ng acting sa telebisyon. Kamakailan ay napanood siya sa isang indie film sa palabas na idinirek ni Ida del Mundo na K’na: The Dreamweaver sa New Breed Category sa Cinemalaya. Siya ay gumanap sa papel ng isang lord chieftain.

Ang pangalang Bembol ay mula sa pangalan ng kanyang lolo na si “Bem” at ang ‘bol’ naman ay galing sa trabaho ng kanyang ama na isang basketball coach.

Mayroon siyang limang anak, apat na lalaki at isang babae kasama na ang kambal na sina Felix at Dominic. Ang kambal ay pumasok na rin sa showbiz. Nakilala siya sa papel na Julio Madiaga sa pelikulang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag. Kung saan nakakuha siya ng dalawang Best Actor awards. Ito ay isang Lino Brocka film noong 1975.

Ang kanyang mentor ay ang batikang director na si Lino Brocka. Ang pelikulang “Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag” ay dini-digitally restore ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kasama ang World Cinema Foundation (WCF) chaired by Oscar winning filmmaker Martin Scorsese.

Ang ilan pa sa pinaka-challenging role na kanyang ginampanan ay sa pelikulang, “Babangon Ako’t Dudurugin Kita”, at “Orapronobis”.

Kasama siya sa pelikulang Gangster Lolo, kasama sina Leo Martinez, Pen Medina, Rez Cortez, and Soxie Topacio.

Sa ngayon ay mahigit 30 taon na siya sa showbusiness.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

E-mail: [email protected]; cp.no. 09301457621.

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 2 December 05 – 07, 2014
Next articleIsabelle Vs Toni

No posts to display