Bembol Roco, binastos sa poster ng movie ni Nora Aunor?!

NAGULAT KAMI sa movie poster ng Thy Womb dahil biglang nawala si Bembol Roco sa original layout na magkasama si-lang dalawa sa isang bangka ni Nora Aunor. Ang nakikita kasi ngayon, sina ate Guy at Lovi Poe lang ang nasa poster at biglang nawala na si Bembol. Lumiit din ang pangalan ng premyadong aktor na halos ‘di pa mabasa dahil natatakpan ng nagtatalunang mga pating mula sa dagat.

Para sa amin, mas tama ang naunang poster na magkasama sina ate Guy at Bembol sa isang bangka. Silang dalawa naman ang bida at ang story ay nakasentro sa kanila, tungkol sa mag-asawang hindi magkaroon ng anak at ang twist pa, komadrona ng bayan ang babae, si Ate Guy sa papel niya.

Parang nanlambot lang kami dahil Bembol deserves a good billing dahil ilang taon na siya sa industriya plus the fact na balik-tambalan sila ni La Aunor pagkatapos ng mga klasikong Tatlong Taong Walang Diyos at ‘Me-rika.  

Hindi rin naman matatawaran ang pagganap ni Bembol dahil kahit anong role ang ibigay sa kanya ay mahusay siya. Sana maging happy lang ang lahat, gaya ng mga happiness ng lahat ng artistang kasama sa movie na first time nakatrabaho ang nag-iisang Superstar.

SA KABILA ng napakaraming bisita mula sa showbiz at politics sa birtday party ng kontrobersiyal na si Atty.

Ferdie Topacio na ginawa sa Barcelona, Metrowalk, Pasig City, nakuha naming ma-interview siya kahit saglit tungkol sa hindi matapus-tapos na kontrobersiya sa kanilang dalawa ng young star na si Bea Binene. Ano na ba ang mga kaganapan sa isyu ng pagsasampa niya ng demanda laban sa mag-inang Binene dahil sa isyu na itinanggi siya ng mga ito bilang legal-counsel sa kaso sanang gustong isama ng nanay ni Bea laban sa isang DJ?

“Actually, next week ay isasampa na namin ang kaso. Pero I’m still waiting kung… mula sa kanila. Ang gusto ko lang naman ay magkausap kami nina Bea at ng nanay niya. Sana mangyari ‘yun. ‘Yun lang naman ang hinihintay ko mula sa kanila and that’s it! Okey na! Wala nang kaso! Magiging okey na kami, friends again!” Nakangiting sabi pa ng mahusay na abogado na siya ring humahawak ng kaso ni ex-Pres. GMA at ng ilan pang bigating personalities.

Sa party ng abogado, nandu’n naman si Marvelous Alejo, mula sa Artista Academy na sinasabing “apple of the eye” niya ngayon. Ang magandang dalagita na raw ang umookupa sa puso niya at nakahanda pang ipag-produce ng album sa malapit na hinaharap.

“I believe in her, in her talent. At saka mabait na bata, maganda pa. ‘Yung company namin ang siyang magpo-produce ng album niya, all OPM original composition. May mga ginawa lang akong ilan du’n, but Marvelous will give a life to every song. No, I can sing pero wala kaming duet sa album. Hahahaha!” sey pa nito.

Hanggang sa pagtulong lang ba ang gagawin niya kay Marvelous? Wala bang romansang namamagitan sa kanila?

“Hahahaha! Paano? Hindi naman ako guwapo. Saka… hahahaha!” bitin pang sagot ng abogado.

Paano nga pala mangyayari ‘yun eh, nakakontrata si Marvelous sa TV5? Baka magka-problema?

“Susulat na kami sa TV5 management for this. Gagawa lang naman ng album, eh. So sana hindi magkaproblema,” sagot pa ng abogadong feel na feel naming matindi ang hangarin na tulungan ang up-rising star na si Marvelous.

Okey!

PALABAS NA sa mga piling sinehan ang Ken at Abel na pinagbibidahan ng itinuturing na young action-dramatic actor na si Norris John. Dual role si Norris bilang Ken at Abel at ayon sa kanya, ito na ang pinakamahirap na role na ginawa niya.

“Imagine, Tito, kambal ang role ko. So, I have to change emotions ‘pag ako na si Ken at ako naman si Abel. Magkaiba kasi ang personality nila, eh. Happy naman po ako at nagampanan ko nang tama at happy rin ang direktor kong si Karlo Montero,” sey ni Norris sa amin sa sang panayam.

Bagong-bihis si Norris na nakilala sa mga pelikulang Batang Ifugao at Binatilyo. This time, ang tunay niyang hilig ang nais niyang ipakita sa kanyang audience. Drama-action ang forte niya kaya naman du’n siya nagpo-focus.

Norris also dreams na makaliga kina Alden Richards, Enchong Dee at mga kasing-edad niyang aktor dahil kung acting lang naman ay hindi siya magpapahuli. May alam din siya sa martial arts kaya naman sa mga action scenes ay nakikita namin sa kanya ang husay ni Robin Padilla.

Excited na rin si Norris John sa next movie niya, ang Gabriel, Ito Ang Kuwento Ko na dinirek ng inyong lingkod. Nakasama naman niya sa naturang pelikula sina Simon Ibarra, Marife Necesito, Lester Llansang, Joanna Marie Tan, Lester Lucas at ang leading lady niya na si Joyce Ching. The movie was filmed sa napakagandang location ng Ifugao.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleJessy Mendiola’ s world date with Shinee
Next articleSa pag-atras sa serye nila
Lorna Tolentino, ipinagtanggol si Kylie Padilla

No posts to display