KAMAKAILAN LAMANG ay bumaba na ang desisyon sa kasong isinampa ko sa NLRC. Bilang isang marino, ako ay nagawaran ng monetary award. Ngunit ang napanalunan ko ay katumbas lamang ng aking suweldong dapat ay tanggapin. Hindi isinama roon ang mga overtime, leave pay at iba pang bonus. Tama po ba ito? — Meliton ng Cubao, Quezon City
SA PANGKARANIWANG employment contract ng isang marino, hindi talaga isinasama sa kuwenta ang overtime, leave pay at iba pang bonus. Tama lang ang award.
May Reinstatement ba sa OFW?
ISA PO akong marino na nagsampa ng kaso laban sa aking employer. ‘Di po ba dapat ay kasama ang reinstatement at separation pay sa naging desisyon sa kaso ko sa NLRC? — Nelson ng Maragondon, Cavite
SA ILALIM ng RA 8042, walang karapatan sa full backwages, o separation pay o reinstatement ang isang OFW. Masakit man, iyan ang pinaiiral ng Korte Suprema sa mga desisyon nito.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo