NANDITO PO ako sa Pilipinas ngayon. Pero bago matapos ang taon ay babalik muli ako sa abroad. Sinasamantala ko rin ang bakasyon ko para magpa-check up dahil may nararamdaman akong ‘di maganda. Kung sakali po bang may mangyari sa akin dito ay sakop pa ako ng insurance ng OWWA? — Alvin ng Tuguegarao City
PARA SA mga bumabalik na OFW, may libreng insurance ang OWWA. Gayundin ang mga nasa ilalim ng OWWA Voluntary Membership Program. Ang tawag sa mga ganitong OFW ay “worker-on-leave”. Nakabakasyon sila rito pero babalik din sa mga trabaho nila sa abroad.
Ang anumang claim ay kaila-ngang asikasuhin ng OWWA sa loob ng sampung araw. Kabilang dito ang mga claim dahil sa pagkamatay o pinsala o sugat ng OFW.
Pero kailangang patunayan ng OFW na siya ay “worker-on-leave” kaya kailangan niyang magsumite ng totoong pasaporte, re-entry visa, work permit, o iba pang mga katulad na dokumento. Kailangan ding patunayan niya na siya ay babalik sa kanyang amo.
‘Eto naman ang mga bayarin para makakuha ng e-Receipt/Overseas Employment Certificate (OEC) at OFW Electron ID card o e-Card: (1) P100 para sa POEA processing fee; (2) Medicare Coverage Premium na P900; at (3) OWWA membership contribution na US$25 o ang katumbas nito sa piso.
Hindi maituturing na “worker-on-leave” ang mga (1) dependent ng OFW; (2) bumibiyahe na hawak lamang ay student visa; (3) mga bumibiyahe na hawak lamang ay business visa; (4) permanenteng residente ng ibang bansa; at (5) mga OFW na nagpalit ng amo.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo