Dear Atty. Acosta,
MAGANDANG ARAW po. Kamamatay lamang po ng aking asawa. Nagtrabaho po siya sa isang ahensya ng gobyerno sa loob ng labinglimang taon bago siya namatay. Mayroon po kaming tatlong anak na may mga edad na 14, 10 at 8 taon. Mayroon po ba kaming matatanggap na benepisyo mula sa GSIS?
Salee
Dear Salee,
KAPAG ANG isang miyembro ng GSIS ay namatay, ang kanyang beneficiaries ay makakatanggap ng tinatawag na survivorship benefits na isinasaad sa Republic Act No. 8291, o mas kilala sa tawag na Government Service Insurance System Act of 1997. Ayon sa Section 21 nito, ang mga primary beneficiaries ng isang miyembro ay makakatanggap ng mga sumusunod: 1) Survivorship pension: Provided that the deceased: (i) was in the service at the time of his death; or (ii) if separated from the service, has at least three (3) years of service at the time of his death and has paid at least 36 monthly contributions within the 5-year period immediately following his death or has paid a total of at least 180 monthly contributions prior to his death; or 2) Survivorship pension plus a cash payment equivalent to 100% of his average monthly compensation for every year of service: provided, that the deceased was in the service at the time of his death with at least 3 years of service; 3. A cash payment equivalent to 100% of his average monthly compensation for each year of service he paid contributions, but not less than P12,000.00: provided, that the deceased has rendered at least 3 years of service prior to his death but does not qualify for the benefits under item (1) or (2).
Bilang asawa, makatatanggap ka ng survivorship pension hanggang sa ikaw ay muling mag-asawa. Ang bawat isa sa inyong mga anak ay makatatanggap din ng pension na katumbas ng sampung porsyento (10%) ng buwanang pension hanggang sila ay maituturing na dependent (Section 21, RA 8291). Upang maging isang dependent, ang iyong mga anak ay kinakailangang hindi pa ikinakasal, walang trabaho at hindi pa umaabot sa legal na edad, o nasa legal na edad ngunit walang kakayahan na suportahan ang kanyang sarili dahil sa mental o pisikal na depekto na kanyang nakuha bago pa siya nakaabot sa legal na edad (Section 2(f), RA 8291).
Maaari ka ring makakuha ng funeral benefit, ang halaga nito ay ayon sa determinasyon ng GSIS batay sa kanilang regulasyon (Sec. 23, RA 8291). Ang funeral benefit ay ibibigay sa sinuman sa mga mababanggit sa parehas na pagkakasunod-sunod: a) nabalong asawa; b) lehitimong anak na gumastos para sa funeral services; o c) sinumang tao na makapagpapakita ng patunay na sinagot niya ang mga gastusin sa burol at libing ng namatay.
Maaari rin kayong magtanong sa GSIS mismo sa inyong mga karapatan at benefits na matatanggap.
Atorni First
By Atty. Persida Acosta