PUMIRMA ng management at movie contract ang stage and TV actor na si Benj Manalo (anak ni Jose Manalo) sa Viva nitong Feb. 6. Personal siyang winelcome ng big bosses ng Viva na sina Vincent at Veronique del Rosario.
Ang Cornerstone ang dating manager ni Benj pero bago siya lumipat sa Viva ay nagpaalam naman daw siya nang maayos dito.
“I make a point naman po doon sa previous management ko naging maayos po ’yong paghiwalay po namin kasi maliit lang naman po ’yong industriya and maganda din naman po ’yong naging treatment nila sa akin and everything. It’s just that nandoon ako sa phase ng life ko na gusto ko po talaga mag-expand sa career ko,” dahilan ng aktor.
Dagdag niya, “Nung lumapit nga ako sa kanila, parang ni-lay down ko lang talaga sa kanila ’yung cards ko na this is what I wanna do… I want to expand my career and all in terms of everything. And ayon nagkasundo-sundo kami doon sa mga gusto naming mangyari. I’m just really happy na I’m here.”
When asked kung sa palagay ba niya ay magiging kakompetensiya niya sa Viva si Jerald Napoles na isa ring singer at stage/TV actor, aniya, hindi naman daw.
“I don’t see him as a competition. Kung may competition man gusto kasi namin lahat umangat nang umangat, gusto namin mag…. — hindi showbiz na sagot ’yon promise — gusto namin magtulungan talaga umangat… pataas nang pataas. Kahit si Kim (Molina). Lahat kami pare-pareho kami ng mindset. So, I’m just happy now na andito na ’yong mga close ko sa industry, mga kasama ko sa isang pamilya. ’Yon ’yong importante sa akin,” sambit pa niya.
Kasama si Benj sa inaabangang TV comeback ni Julia Montes sa ABS-CBN na 24/7 at sa Bela Padilla-Marco Gumabao movie na Spellbound.