ISANG MAGANDANG buwan ang Agosto para sa Philippine movie industry. Halos lingu-linggo ay may Filipino movie na ipapalabas sa mga sinehan at isa na rito ang Guni-Guni ng Regal Films. Mula ito sa direksyon ni Tara Illenberger, na unang nakilala sa pag-e-edit at paggawa ng indie films. Ang pelikula ay pinagbibidahan ng ‘Horror Princess’ na si Lovi Poe.
Isang bagong aktor ang nakatakdang ipakilala sa pelikulang ito at ‘yun ay walang iba kundi si Benjamin Alvez. Bagong salta rin ang binata sa Kapuso Network at kahit wala pang gaanong TV projects, napukaw na nito ang loob ni Mother Lily kaya agad-agad ay leading man status agad ang peg ni kuya, huh?
Teka… sino nga ba itong guwapitong ito? At may ibubuga nga ba ito?
Si Benjamin Alvez ay ipinanganak noong ika-31 ng Marso, 1989. Sa Guam lumaki ang binata. Sa katunayan nga, pamangkin siya ng sikat na matinee idol ng ABS-CBN na si Piolo Pascual.
Dumating sa bansa noong 2006 ang binata para subukan ang kanyang suwerte sa pagmo-modelo. Sumali ito sa Close Up to Fame ng Dos bilang Vince Saldana. Pagkatapos ng nasabing kumpetisyon ay lu-
mabas ito sa iba’t ibang programa tulad ng POSH (QTV-11), Isabella (ABS-CBN) at Impostora (GMA-7).
Panandalian nitong nilisan ang bansa noong 2009 para ipagpatuloy ang pag-aaral sa University of Guam. Worth it naman ang pagbibigay niya ng importansya sa mga libro dahil nakapag-tapos ito ng kursong Comparative Literature at hindi lang basta umakyat ng stage para sa diploma, ha? Summa Cum Laude lang naman ang kanyang parangal! Bongga lang, ‘di ba? Balak sana nitong mag-aral muli para makakuha ng MA, pero kumatok muli ang pinto ng showbiz. Minsan nga lang naman dumating sa buhay ang mga ganitong magagarbong pag-kakataon. Why not grab it, right?
Sa August 22 na ipalalabas ang pelikulang Guni-Guni. Balita namin, pasok din daw si Benjamin Alvez sa remake ng Coffee Prince ng Siyete.
Ano ang tingin ninyo kay Benjamin Alvez? Tatagal din kaya siya sa showbiz tulad ng kanyang uncle na si Piolo Pascual, o babalikan ba nito ang pagiging dalubhasa sa mundo ng literatura?
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club